Abante Tonite Interactive

Villar palihim ang suporta kay Trillanes

By ,
5,524

Suportado ni Senador Cynthia Villar ang ipinaglalaban ni Senador Antonio Trillanes IV subalit natatakot lang magladlad ng posisyon sa kontrobersiyal na senador.

Ito ang inamin ni Trillanes sa media nang tanungin ng Abante nitong Miyerkoles, kung ano ang nagawa ng Nacionalista Party (NP) ni Villar sa kanya habang ginigipit siya ng administrasyong Duterte.

“Hindi lang siguro publicly lumalabas, but tumutulong ang Nacionalista Party leadership,” ani Trillanes.

Si Trillanes ay naging kasapi ng NP noong 2012, isang taon bago ang 2013 midterm elections kung saan tumakbo ng reeleksyon ang senador.

Nabatid na dinalaw ni Villar si Trillanes sa kanyang tanggapan Martes nang gabi, matapos lumabas ang Proclamation No. 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumabawi sa amnestiya ng senador at ipag-utos ang pag-aresto dito.

Nang beripikahin mismo kay Villar ang sinabi ni Trillanes, sinabi lamang ng una na suportado ang huli ng buong miyembro ng Senado.

Missing in action ang NP sa mga nangyayari kay Trillanes, bagkus ang lantarang sumusuporta dito ay mga kasapi ng oposisyong Liberal Party (LP).