Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Villar-Revillame palakas werpa sa Senado

0 987

Bawas problema kay tv host Willie Revillame ang malaking perang kailangang gastusin sa kampanya sakaling ituloy nito ang pagtakbong senador sa 2022 elections.

Ito’y dahil suportado financially umano ang kandidatura ng tv host ng bilyonaryong si Manny Villar.

Ang bilyonaryo na kilalang malapit kay Revillame ang tutulong umano sa pinansyal na pangangailangan ng tv host sa kanyang pagtakbo sa Senado.

Ayon sa source ng Abante Tonite, kaya umano interesado si Villar na patakbuhin si Revillame ay para madagdagan ang kanilang werpa sa Senado.

Isa rito ay ang interes diumano ng mga Villar sa nabakanteng prangkisa ng ABS-CBN.

Kaya sakaling palarin si Revillame sa 2022 ay madagdagan ang puwersa ni Villar sa Senado.

Sa kasalukuyan ay nakaupo ang asawa ni Manny na si Senador Cynthia Villar habang matunog na sasabak rin sa Senado ang kanyang anak na si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.

Si Villar ang tumatayong presidente ng Nacionalista Party (NP) kung saan ang mga kasalukuyan nitong miyembro sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ay sina Senador Pia Cayetano at Imee Marcos.

Ayon sa kampo ni Revillame, nahihirapan pang magdesisyon ang tv host kung tatakbo sa pagka-senador.

Leave A Reply

Your email address will not be published.