Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Villar TV aalagwa na sa Setyembre

0 461

NI:CRISTY S. FERMIN

Nu’ng nakaraang Sabado ay nagkakulay na ang matagal na panahong naging kulay itim na kuwadro ng ABS-CBN nang tanggalan ng prangkisa ang network.

Ang nakalagay sa kuwadro, test broadcast pala ‘yon ng AMBS, ang nakabilis ng prangkisa at transmitter ng istasyon na pag-aai ng bilyonaryong negosyante at dating Senador Manny Villar.

Ang AMBS network ang magkahawak-kamay nilang pagsososyohan ni Willie Revillame na ayon sa aming kausap ay aarangkada na sa darating na Setyembre.

Sa pagdating ng panahong ‘yon ay madadagdagan na ng pamimiliang tutukan ang ating mga kababayan. Tatlong malalaking istasyon na ang kanilang pipiliing panoorin—GMA-7, TV5 at ang AMBS network.

Sabi nga ng kaibigan naming propesor, “Huwag nilang isipin na competition ang magaganap, ang mas mahalagang isipin nila, e, ang publiko ang magbe-benefit kapag pumasok na ang AMBS. Maraming nawalan ng trabaho ang magkakaroon,
napakaraming matutulungan ng bagong network, kaya the more, the merrier.” Sabi ni prop.

Mailap sa pagsagot ng telepono si Willie Revillame, gaano kaya siya kaabala sa mga panahong ito, kung kailan naman namin siya kailangang makausap ay saka siya hindi mahagilap.

Siya ang dapat naming pakibalitaan kung nasaang estado na ba ngayon ang AMBS? Ngayong nakapag-test broadcast na sila ay nagbibigay ba ‘yon ng ideya na handang-handa na silang makipagsabayan sa GMA-7 at TV5 sa darating na Setyembre?

Balita namin ay marami nang personalidad ang nakaka-meeting ngayon ni Willie, siguradong sa pagbubuo ng mga programa ng AMBS ang dahilan nu’n, sinu-sino na kayang mga artista ang siguradong mapapanood sa bagong network ng mga Villar?
Abangan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.