Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Villar walang puso sa mga frontliner – VP Leni

0 555

Tinawag ni Vice President Leni Robredo na “very insensitive” ang pahayag ni Senador Cynthia Villar na “pagbutihin na lang” ng mga medical frontline rang kanilang trabaho matapos na manawagan ang mga ito na ibalik sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila dahil sa patuloy na paglobo ng mga kaso ng COVID-19 infection.

Giit ng senador, hindi maaaring ibalik sa ECQ ang Metro Manila dahil ang ekonomiya na naman ang lubhang masasakripisyo na magreresulta na pagkamatay ng mga tao dahil sa gutom at hindi dahil sa virus.

Ngunit pumalag si Robredo sa pahayag ni Villar at sinabing nakakalungkot na tila hindi nakikita ng iba ang ginagawang sakripisyo ng mga health worker.

“Ang nagko-comment na `pagbutihin nila ang trabaho nila’ number one, very insensitive. Number two, hindi nila alam kung ano `yong sakripisyo nung ating health workers. Kung ikaw naman ganito, mula March pareho pa rin `yong sitwasyon, `yong sakripisyo mo pareho pa rin, `yong threat na magkasakit ka mas malaki ngayon tapos hindi ka pa appreciated, e talaga namang sino naman `yong mawawalan ng gana,” giit ni Robredo.

Aminado si Robredo na bagama’t tama na binibigyan ng boses ang mga ekonomista, dapat pa ring tutukan ng gobyerno kung paano mapapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Hangga’t grabe `yong kaso natin, hindi tayo makakabalik sa normal. Tama naman na binabalanse, tama naman na nag-iisip ng ibang alternatives maliban sa hard lockdown. Pero kailangan ang tutukan natin, paano ba natin mapipigilan `yong numero na after five months pataas pa rin nang pataas,” ayon pa kay Robredo. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.