Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Villas manhid sa mga frontliner

0 907

Katakot-takot na pamba-bash na naman ang inabot ni Senador Cynthia Villar mula sa mga netizen na hindi nagustuhan ang kanyang pahayag hinggil sa isyung may kinalaman sa mga medical frontliner.

Nag-ugat ito sa panayam kay Villar sa radyo kung saan sinabi nito na hindi na dapat bumalik sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila sa kabila ng hinaing ng mga medical frontliner na ilagay muli sa striktong lockdown ang National Capital Region dahil muli na namang napupuno ang mga COVID-19 ward ng mga ospital.

“We have to live with COVID-19 `di natin pwedeng isara ang ekonomiya, kailangan pag-igihin ng DOH (Department of Health) at iba pang agency ang kanilang hakbang… `Pag lockdown kasi magsa-suffer ang ekonomiya,” sabi ni Villar.

“Hindi na siguro [ibabalik sa ECQ], pagbutihin nila trabaho nila [frontliner]. ‘Di pwedeng isara ang ekonomiya kasi kung `di naman mamamatay sa COVID, mamamatay naman sa gutom ang tao,” aniya pa.

Nitong Sabado ay sumulat ang nasa 40 medical frontliner kay Health Secretary Francisco Duque III at Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa ‘overwhelm’ na umano ang mga ospital sa COVID-19 patient dahil sa record-breaking na pagtaas ng kaso ng virus sa mga nagdaang araw.

Hiniling ng mga medical frontliner na ibalik sa dalawang linggong ECQ ang Metro Manila para magsilbing `time out’ sa dumadaming kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ngunit ayon kay Villar, normal lang umano ang mapagod, at kailangan pa rin umanong magtrabaho sa kabila nito.

SM food to go Banner Ad

“May time in our lives na ikaw talaga ang mapapagod, iba iba naman ang kalamidad, so itong kalamidad na ito ang mapapagod dito ang health frontliners natin, iba iba yan, but I guess we need to work hard,” ani Villar.

Nagbigay din ito ng payo sa mga ospital na taasan ang bilang ng kapasidad sa kanilang mga COVID-19 ward para hindi agad sila mapuno ng mga pasyente.

Umani ng negatibong reaksyon sa mga netizen ang mga sinabi ni Villar.

@hotkmjngn: “Everytime na trending si Cynthia Villar u know na may hindi na naman siya magandang sinabi.”

@eunineelizze: “our frontliners are calling for action, demanding for a concrete strategy and plan to fight covid…meanwhile, ms. cynthia villar: iMoTiVAte naLAnG nAtiN siLa nA maGiNG mAs pASsioNaTE ~t@*&@%$ netong apathetic senator na to. tao ka pa ba?”

Sabi ng netizen na si @zenasharvey: “Their [frontliners] lives matters; they are not your slaves, Senator.”

@kapusongkim: “Pagbutihin ang mga trabaho nila? Work hard? Maging passionate sa trabaho? Ano sa tingin mo bang ginagawa nila? Hindi ninyo na nga binibigyan ng importansya ang healthcare system natin, sasabihan mo pa ng ganito?” (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.