Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vilma apo ang bet na regalo nina Luis, Jessy

0 200

“Very soon” ang sagot ni Star For All Seasons and Rep Vilma Santos nang matanong siya ng mga kasamahan sa panulat kung nagwi-wish ba siya na magkaroon na ng apo especially now na nasa gitna tayo ng pandemic at maraming mga artista ang nabuntis.

Ayon kay Ate Vi sa isang YouTube live show, apo na raw talaga ang wini-wish niya sa ngayon.

“Siguro, kung mayroon man akong hinihiling, apo. Baka ano, baka very soon. Yehey!” ang masayang wika ni ate Vi na ikinatuwa rin ng mga guest entertainment press.

Tinanong siya kung ibig bang sabihin nito ay magpapakasal na ang panganay niyang anak na si Luis Manzano sa girlfriend na si Jessy Mendiola at anang Star For All Seasons, “palagay ko, Karapatan ko lang sabihin na very soon.”

Ayaw nang magbigay pa ng detalye ni ate Vi at sey niya, “tama na, okay na ako do’n, basta very soon.”

Sa sinabing ito ni ate Vi, ibig kayang sabihin nito ay kasado na talaga ang Luis-Jessy wedding and by “very soon,” does she mean this year? At isa pang million-dollar question, buntis na kaya si Jessy?

Anyway, bukas, Nov. 3 ay magdiriwang ng kaarawan si Ate Vi at bilang may pandemic nga ay tahimik lang daw nila itong ise-celebrate sa bahay kasama ang pamilya.

Sa mga nakaraang taon, kapag kaarawan daw niya ay umaalis sila ng bansa with her family pero siyempre, not this year because of the pandemic.

“Anyway, basta kasama ko lang pamilya ko, masaya na ako, okay na ‘yun,” she said.

When asked kung ano ang inaasahan niyang gift o surprise from Luis and Jessy, consistent ang sagot ni Cong Vi.

“Apo,” mabilis niyang sagot. “Wala na kasi kaming baby,” dagdag niya.

Ang birthday wish/prayer naman niya ay sana, matapos na ang pandemic.

“Kung meron man akong hihilingin sa birthday ko ngayon o ipagdarasal, ang talagang ipinagdarasal ko lang at hihilingin ko sa Panginoong Diyos talaga is ‘Lord, tama na po. Tama na po itong COVID, sana unti-unti na itong mawala, sana ma-lessen na ‘yung namamatay, ma-lessen na ‘yung nagkakasakit and at the same time, with all the calamities na dumadating ngayon, sana, mabawasan na,’” pahayag ni ate Vi.

Leave A Reply

Your email address will not be published.