Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vilma atat na sa baby nina Luis, Jessy

0 82

Hindi pa buntis si Jessy Mendiola pero looking forward na rin sila ni Luis Manzano na magkaroon ng anak. Sey nga ng aktres, sa tingin daw niya ay handang-handa na ang mister na maging isang ama.

Sa latest vlog ni Luis ay tinanong niya ang misis kung sa tingin nito ay magiging isang mabuti siyang ama.

Sagot naman ni Jessy, “oh yes. Si pillow pa lang grabe mo alagaan, ‘yung baby pa kaya natin.”

Ang “pillow” na tinutukoy ni Jessy ay literal na unan talaga na paborito ni Luis since 3 years old at hanggang ngayon ay ginagamit pa nito.

Dagdag pa ni Jessy, “saka alam kong ready ka na.”

Mukhang convinced naman si Luis sa sinabi ng asawa at binanggit niya na mabuti ring ama ang daddy niyang si Luis Manzano at ang stepdad na si Sen. Ralph Recto.

“Oo, feeling ko siyempre kahit paano. Sinasabi naman talaga nila ‘di ba, you can teach someone about the world pero the best way to learn talaga is through actually observing someone and firsthand experience.

“At nakita ko ‘yun kay Daddy, kay Tito Ralph, kung paano sila naging erpat sa akin. Kung si Tito Ralph, paano naging erpat sa akin din at kay Ryan (anak nina ate Vi at Sen. Ralph)

“‘Yun ‘yung kumbaga bumuo sa pagkatao ko sa darating na point ng buhay ko ng pagiging isang ama. I learned and observed from the best,” sabi ni Luis.

Sey naman ni Jessy, “saka you’ve been ready for the longest time. As in kahit noong boyfriend-girlfriend pa lang tayo, you would always tell me na you want a baby na.”

Agree naman si Luis at aminadong mababaliw siya talaga pag naging daddy na siya pero aniya ay mayroon pang mas mababaliw.

“Ako siguro, alam ko nang mababaliw ako kapag naging daddy na ako. kung may mas mababaliw, ‘yan ang mommy ko. Diyos ko, sigurado, spoiled na spoiled ‘yung baby natin,” sabi ni Luis na ikinatawa naman ni Jessy.

Well, siguradong atat na si Ate Vi sa kanyang magiging apo. Pati ang mga fan nila ay excited na rin sa pagkakaroon ng first baby ng mag-asawa.

Willie P100K ang ayuda sa dating GMA talenr coordinator

Nakarating na kay Willie Revillame ang panawagan ng dati niyang talent coordinator na ngayon ay nasa home for the aged na.

Ang dating GMA-7 showbiz reporter na nagtrabaho rin bilang talent coordinator ni Willie na si Josie “Jopay” Manago ay isang buwan na raw na nasa Haven Home for the Aged base sa post ng veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis last week.

Nang malaman daw ng nasabing charity institution na dati ngang nagtrabaho si Jopay kay Willie ay kaagad na nagpasabi ang management na baka naman daw pwede ring makapagbigay ng donasyon sa kanila ang TV host.

Sa recent post ni Nay Lolit ay sinabi niyang nakarating na nga kay Willie ang panawagan ng Haven at nag-pledge na raw agad ang TV host ng P100,000.00

“Wagi ang Haven kung saan nandun si Jopay, Nakarating kay Willie Revillame iyon panawagan ni Jopay na mga canned goods para sa Haven Home for the Aged at agad nag pledge ito ng 100K para sa kailangan nila,” saad ni Nay Lolit sa post.

Not only that dahil pati si Grethen Barretto ay nagpasabing tutulong din.

“Tumawag si Ana Abiera para kay Gretchen Barretto na gusto din padalhan ng Gretchen Ayuda si Jopay pati ang Haven kaya inaayos na nila mga gatas at de lata na ipadadala.

“Bongga ang Jopay, magiging superstar siya ng Haven dahil sa dami ng blessing na matatanggap nila mula sa mga generous donors like Willie Revillame and Gretchen Barretto,” bahagi pa ng post.

Ibinalita rin ni Nay Lolit na binibigyan ni Willie ng pension ang lahat ng mga senior employees niya sa produksyon.

“At binibigyan pala ng production ni Willie ang mga seniors na hindi na puwede magtrabaho ng 10K a month na parang pension nila habang tuloy ang production.

“Magandang gesture na pag aalaga sa mga employee mo na nag work sa iyo ng mahabang panahon. Good heart sila Willie at Gretchen , kaya naman tuloy tuloy din blessing nila. Bongga,” pagbabahagi pa ni Nay Lolit.

Leave A Reply

Your email address will not be published.