Abante Tonite Interactive

Vilma ayaw pangunahan sina Luis-Jessy

511

tonite-pak-allan-diones
Muling umugong ang engagement issue kina Luis Manzano at Jessy Mendiola dahil sa isang Instagram Story ni Jessy na may suot ito na tila engagement ring.

Ang loving mother ni Luis na si Batangas Congresswoman Vilma Santos ay natanong ng press tungkol dito at ang sabi ni Ate Vi ay ayaw niyang pangunahan sina Luis at Jessy.

Hindi raw siya ang dapat mag-announce ng kung anuman kundi ang dalawa.

“Kung saan maligaya ang anak ko, doon ako. He’s mature enough to decide for himself and kung sa tingin niya it’s time, then I guess it’s time,” reaksyon ng Star For All Seasons sa balitang engagement.

Sey pa ni Ate Vi, hayaan na ang dalawa kung anong plano nila, maybe this year o next year.

Nagsasabi naman daw sa kanya ang dalawa, pero ang mga ito pa rin daw ang dapat mag-announce at hindi siya.

Ever since ay may basbas naman daw niya sina Luis at Jessy dahil nakikita niyang happy ang dalawa.

Excited na rin daw siya sakaling magpapakasal na nga si Luis. Hindi niya lang daw alam kung iiyak ba siya o kung anong mararamdaman niya.

Eldest niya raw kasi si Luis, pero kung saan ito masaya ay nandu’n lang siya para sa anak niya.

Pelikula ni Direk Chito wagi ng Critics’ Choice Award

Na-happy kami for Direk Chito Roño dahil binigyan ng pagkilala ang pelikula niyang ‘Signal Rock’ sa Gabi ng Pasasalamat ng FDCP kaugnay ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018.

Wagi ng Critics’ Choice Award ang ‘Signal Rock’ ni Direk Chito at ang bida nitong si Christian Bables ay binigyan ng Special Jury Prize for Outstan­ding Acting.

Ang Audience Choice Award ay napunta sa ‘Bakwit Boys’ at ‘The Day After Valentine’s’.

Ngayon ang last day ng PPP 2018, na nakakalungkot dahil tila hindi pa rin ito ganap na tinatangkilik ng Pinoy audience.

Nakakapanghinayang na ang mga matitinong pelikula na gaya ng ‘Signal Rock’ ay kakaunti ang nanonood sa mga sinehan kaya napu-pullout.

Ang CSR Films ni Direk Chito ang nagprodyus nito. Sana ay hindi siya nadismaya sa naging resulta ng ‘Signal Rock’ at patuloy siyang gumawa ng mga passion film niya na katulad nito.