Abante Tonite Interactive

Vilma ayaw umepal sa kasalang Luis-Jessy

407

Natatawa na lang ang Star for all Seasons na si Vilma Santos-Recto dahil paboritong itanong sa kanya kung kailan ba talaga magpapakasal sina Jessy Mendiola at Luis Manzano?

Hindi naman daw nagsasawa o naiinis ang premyadong aktres sa katanungang iyon. Dahil mommy nga naman siya, kaya siya ang madalas inuurirat tungkol sa mga plano ni Luis hinggil sa paudlot-udlot na balita tungkol sa planong pagpapakasal nito.

“Wala namang kumokontra, eh,” wika ni ate Vi. “Pero hindi ko puwedeng pangunahan ang anak ko sa bagay na ‘yan. Basta, palaging buo ang pagtitiwala ko sa mga desisyon ng anak ko. Makikita n’yong laging maingay at masayahin ang anak ko, pero seryoso ‘yan sa buhay.

Abante Hiring – IT dep

“Pinahanga ako ni Luis, dahil sa desisyon niya na bata pa lang, gusto na agad niya mag-business. Nagulat ako, kamukat-mukat mo, businessman na pala ang anak ko,” saad pa ni ate Vi.

Katuwiran din ni Vilma ay may panahon sa bawat bagay.

Napansin din niya na parehong na­ging abala sa kanilang mga trabaho ang magkasintahan. Magkakasunod ang gina­wang pelikula ni Jessy, habang si Luis naman ay busy sa mga programang “Minute To Win It,” “World Of Dance” at “ASAP” sa ABS-CBN.