Abante Tonite Interactive

Vilma, Edu sinorpresa ni Luis

658

Epic success ang pagbibigay ni Luis Manzano ng mga painting sa kanyang mga magulang na sina Vilma Santos at Edu Manzano.

Sorpresa ito ni Luis para sa kanyang parents at ang kanyang paglalahad sa isang social media post: “Just a simple way of telling my ­parents @rosavilmasantosrecto @real­edumanzano I love them!”

Pinasa­lamatan niya rin ang lumikha ng mga regalo niyang pain­tings, si Mark Rocha Padernal na ang nagpakilala kay young master Manzano, ang First Lady ng House of Dantes, si Marian Rivera.

Ang painting na para sa Star For All Seasons, ang imahen, mother and child. ­Musmos pa si Luis sa painting at tila naglalaro sila ni Mommy Vi niya.

‘Yung painting ­naman na magkasama sila ni Edu, parehong dapper in tuxedos.

Ang reaction ni Star for All Seasons sa sorpresa ni Luis: “Sweet gift from my son… I LOVE YOU, LUCKY!!!”

Mula naman sa Daddy Yo Doods niya: “My son just surprised me w/ an early birthday gift. ­Seeing that I enjoy art he commissioned a portrait of the two of us. This is one of the best gifts I’ve ever gotten in my lifetime! I love it!” (Alwin Ignacio)