Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vilma inakusahang balimbing

0 107

Nagkaroon ng espekulasyon na nag-switch na umano ng loyalty ang Star for all Seasons at Batangas Representative ng kandidatong kanyang susuportahan sa nalalapit na May 9 national elections.

Ito ay pagkatapos na makita ang beteranang aktres na mainit na tinanggap ang isang tandem sa bahay nito sa Lipa.

Katunayan, nag-trending sa Twitter ang umanoý change of heart ng beteranang aktres.

Wala naman siyang diretsahang tinumbok sa kanyang pahayag maliban sa paggiit na boboto umano siya ayon sa kanyang konsensiya.

“Boboto po ako ayon sa paniniwala ko. We need a leader with vision, action, and can inspire people. I don’t believe in branding,” aniya.

“Vision to recover this country in times of crisis. Action to move, execute and act accordingly because people are tired of lip service. Inspire people to be part of nation-building. May 9 is not the last day. Ito po ay simula ng panibagong anim na taon sa buhay ng bawat Pilipino!!!!. Pakiusap ko po, gamitin ang talino at puso,”dugtong niya.

Keber din daw siya sa kung ano ang iisipin ng mga tao dahil ang mas isinasaalang-alang niya ang kapakanan ng mga Pinoy sa susunod na anim na taon.

“Ayoko i-bother ng mga taong hindi naiintindihan ang situation. Ayoko makigulo. Ang gusto ko may hope ang Filipinos for six years, HOPE ANG FILIPINOS FOR 6 years … suporta ng tao for building our nation at ma-survive ang crisis natin,”paliwanag niya.

Dahil sa naging pahayag niyang ito, may kibitzers na nag-aakusa sa kanyang bumalimbing umano ito sa dating partidong sinusuportahan.

May mga nagsasabing malamang daw ay na-pressure ito o na-turn off sa dating kapanalig .

Leave A Reply

Your email address will not be published.