Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vilma kakasa sa Dos

0 97

NI:ALWIN IGNACIO

Marami ang natuwa at nagbunyi sa paghain ni Senador Tito Sotto ng panukalang batas para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Nasa tama at hulog ang kanyang obserbasyon na sa pang-unawa ng diva that you love, hindi naibigan ni Senador Sotto ang program content ng kasakuyang mga istasyon.

Sabi niya sa isang maikling pahayag: “I noticed that TV stations have been replacing their news programs with animes. It means competition is absent and mediocrity is creeping in because of the absence of a strong competition like ABS-CBN.”

Tanda naman nating lahat na noong unang dramarama para sa prangkisa, bukas na aklat ang pag-abstain ni Senador Sotto sa nasabing usapin.

Ang kanyang pagbabagong loob na ito ay dapat talagang subaybayan at bantayan.

Dahil nga sa kaganapan, si Lipa Batangas Congresswoman Vilma Santos Recto naman ay maghahain na rin sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng panibagong bill.

Alam na alam rin natin si Congresswoman Recto ay isa sa handful of congressmen na sumang-ayong mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Sa mga movement na ito, malalaman natin sa takdang panahon kung uusad nga ba ang mga bagong panukala. Hope springs eternal ika nga kaya may the numbers be with ABS-CBN sa pagkakataong ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.