Abante Tonite Interactive

Vilma magkakasal kay Lotlot?

2,951
tonite-pak-allan-diones
Kabado raw si Lotlot de Leon ngayong in less than a month ay ikakasal na siya sa Lebanese fiance niyang si Fadi El Soury.
Ninenerbiyos ang 46-an­yos na aktres dahil nang una siyang ikasal (kay Monching Gutierrez) ay 17-anyos lang siya at wala siyang kinalaman sa naganap na wedding, as in parang um-attend lang daw siya.
This time ay siya ang hands-on sa lahat, mula sa invitations, giveaways, venue, sa damit at kung ano-ano pa.
Sa December 17 ang kasal nila ni Fadi sa isang beach resort sa Batangas.
Ang only son ni Balot na si Diego Gutierrez ang maghahatid sa kanya sa altar. Maids of Honor ang three daughters niyang sina Janine, Jessica at Maxine.
Kasali rin ang kapatid niyang si Matet de Leon-Estrada na kiyemeng may pagbabanta raw sa kanya kung hindi niya ito ilalagay sa entourage.
Ang mga brother niyang sina Ian, Kiko at Kenneth ang groomsmen at bridesmaids naman ang three biological sisters niyang darating dito mula Amerika. Ang American father ni Lot na si Donald Lee Olson ay hindi makakadalo dahil kakaopera lang ng likod nito.
Siyempre, wish ng bride na dumating sa araw na ‘yon ang ina niyang si Nora Aunor. Ang kanyang Daddy Boyet de Leon ay excited na, lagi naman kasi itong present sa mahahalagang okasyon sa buhay ni Balot.
Modern rustic ang theme ng garden wedding. Bale civil ceremony ito, so isang government official ang magkakasal. At dahil Batangas ang venue, sinadyest namin kay Lot na kunin si Congresswoman Vilma Santos-Recto para magkasal sa kanila.
Ang taray ng wedding na ‘yon if ever! May Ate Guy na, may Ate Vi pa! PAK na PAK!
Naaliw si Balot sa idea namin na ‘yon, pero hindi pa raw niya nakakausap si Ate Vi tungkol doon.
Sa taping ng ‘Asawa Ko, Karibal Ko’ namin nakausap si Lotlot. Siya ang madir ni Kris Bernal sa Kapuso afternoon soap na in fairness ay humahataw sa ratings.
Nagkakaeksena sila rito ni Rayver Cruz, na in real life ay boyfriend ng anak niyang si Janine. May role pala si Rayver sa wedding ni Lot dahil kasama ito sa mga Best Man.

Burol ng anak ni Pip dinagsa

Devastated ang mag-asawang Tirso Cruz III at Lynn Ynchausti-Cruz sa pagpanaw ng panganay nilang si Tristan Jedidiah Cruz sa edad na 37-anyos.
Ang laki ng ipinayat ni Ms. Lynn na sobrang naapektuhan sa nangyari sa kanyang anak.
Sa unang gabi ng lamay nu’ng Miyerkules sa Tanguile Chapel ng Funeraria Paz sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque ay panay ang iyak ni Ms. Lynn sa tuwing niyayakap siya ng mga nakikiramay.
Si Lolo Pip (tawag namin kay Tirso) ay nagagawa pa ring ngumiti at mag-asikaso ng mga dumarating na bisita kahit nagluluksa.
Dagsa agad ang mga kaibigan ng pamil­ya sa first night pa lang ng wake. Nadatnan namin doon sina Christopher de Leon, Direk Bobot Mortiz and family, Amy Austria, Rio Locsin, Bibeth Orteza, Direk Carlitos Siguion-Reyna at Rafa Siguion-Reyna.
Dumating din si Ms. Charo Santos-Concio at Mr. Tony Tuviera kasama ang misis na si Tita Madz at anak na si Celeste Tuviera. Earlier ay nandu’n si Maricel Soriano, na kasama ni Lolo Pip sa cast ng Kapamilya teleserye na ‘The General’s Daughter.’
Ang kuwento sa amin ni Bodie Cruz, six months ago pa nang maospital ang kanyang Kuya Teejay para gamutin ang lymphatic cancer nito na nagsimula sa tiyan.
Hindi nila ipinaalam ‘yon dahil ayaw mismo ni Teejay. Ang gusto nito ay siya mismo ang mag-a-announce kapag okey na siya, so sinunod nila ang kahilingan nito.
Matapos maoperahan at natanggal ang lung cancer ni Lolo Pip nu’ng 2014, nabuo ang passion project ni Teejay na Spike for Hope, na tumutulong sa mga batang may cancer.
Isa raw ‘yon sa mga dahilan kaya hangga’t maaari ay ayaw ipaalam ni Teejay sa mga batang maysakit na meron siyang cancer.
Sa St. Luke’s Global City nagtatrabaho si Teejay, na kasama noon sa original cast ng kiddie show na ‘Ang TV.’ Nakagawa rin siya ng pelikula gaya ng ‘Rollerboys’ at ‘Eskapo.’
Mahusay magsayaw si Teejay at madalas noon sa mga party ng Legends (tawag sa barkadahan nina Tirso, Boyet, Bobot, Lorna, Amy, Sandy, Gina, atbp.) ay siya ang choreographer ng production numbers ng mga kapuwa niya Legends Kids.
Mula rito sa amin sa Abante TONITE, ang aming taus-pusong pakikiramay sa pamilya Cruz…
Happy dancing up there in hea­ven, Teejay!