Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vilma magreretiro sa politika

0 334

Hindi pa nakakapagdesisyon ang Star For All Seasons na si Vilma Santos kung itutuloy niya ang pagtakbo sa Senado.

Matatandaang naunang ipinahayag ni ate Vi na ikino-consider niyang tumakbong Senador sa 2022 Presidential elections.Ito’y sa vlog ng anak niyang si Luis Manzano.

Sa latest interview sa kanya last Thursday sa Over a Glass of Two vlog ay muli itong naitanong sa kanya at aniya, wala pa raw talagang desisyon.

“I will be honest. Yeah, I have plans, pero maybe I can run for a higher position, like Senate, kasi graduating na rin ‘yung asawa ko, Senador Ralph (Recto), but kino-consider ko rin retirement na sa politics. Isa rin ‘yun sa options ko, baka pwedeng mag-retire,” pahayag ni ate Vi.

Ipinaliwanag niyang hindi raw madali ngayon ang tumakbo at mangampanya.

“Because, ang panahon ngayon ay hindi madali. Because of COVID.Hindi ko magagawang makaikot sa buong Pilipinas so that our people or ‘yung mga kababayan ko will see me personally at mailatag ko sa kanila per numero talaga ‘yung programang gusto kong ibigay sa kanila, mga batas na gusto kong ilatag for their protection. I cannot go all over the Philippines because of COVID.

“So, hindi ka nila makikita physically, di ba? And I just cannot rely campaigning lang sa social media,” sey ni Ate Vi.

Bukod pa nga dito, kailangan din naman niyang maging maingat sa saril.

“I need to take care of myself, too, di ba? I’m not getting any younger. So, delikado rin ‘yung edad ko na. And I feel, may responsibilidad din ako to take care of my family.

“So, pag nagkasakit ako, madadamay ang pamilya. I cannot be effective na magbigay ng serbisyo kapag nagkasakit ka.

“So, a lot of things to consider. Hindi magiging madali,” she said.

Sa ngayon daw ay humihingi pa siya ng gabay kay Lord sa kanyang gagawing desisyon.

“I’m just praying for it, sana ma-guide-an ako kung ano ang dapat kong gawin by Octber, ano ang magiging desisyon ko.

“Either I may run for a higher position as Senate seat or I may retire from politics. Bahala na si Lord,” saad ni Congw. Vi.

Leave A Reply

Your email address will not be published.