Abante Tonite Interactive

Vilma at Marian, malabong mag-cameo sa DARNA

36

NAPAPAG-USAPAN ang tungkol sa pelikulang Darna na hindi pa rin nasimulan ni Liza Soberano.

Ang usap-usapan, isa sa pinaghahandaan ng pelikulang ito ay ang cameo role ng mga gumanap na Darna.

Parang malabo iyan dahil nasa ibang istasyon na ang iba, ­kagaya ni Marian Rivera na abala sa Super Ma’am.

Ewan kung papayagan ng GMA 7 na lumabas siya sa pelikulang ito ni Liza.

Medyo naalangan pa si ­Marian magbigay ng mensahe, “Nakaka­hiya naman magbigay ng message bilang hindi naman kami magka­kilalang dalawa.

“Good luck, pero for sure, kahit sino ang magsuot niyan, siguro namang susuportahan siya dahil majority yata, siya ‘yung gusto.

“Saka maganda naman ­siya, perfect para sa kanya.”

***

Vilma Santos
Vilma Santos

Tinanong ­namin si Cong. Vilma ­Santos sa ­pagiging Darna ni Liza, at kung willing ba ­siyang mag-guest sakaling pakiusapan siya.

“Hindi na muna,” ­mabilis niyang sagot.

“”Hindi naman siguro mangyayari ‘yun. Basta let’s just hope… magaling naman ang direktor ­niyang si Erik Matti.

“I’m sure its going to be a good film. A good Darna film. Saka siguro ang approach niyan, teknolohiya na ‘yan, millennials na ang itatarget niyan.

“Ang technology niyan, maganda na. Isusunod nila sa panahon. Age of technology na eh, dapat sumunod na tayo,” dagdag ni Ate Vi.