Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vilma nag-throwback sa tampuhan kay Nora

0 273

NI: Archie Liao

Sa vlog ni Luis Manzano, nagkaroon ng tsikahan ang mag-inang Vilma Santos at Luis Manzano.

Naikuwento ng Star for all Seasons kung gaano katindi ang iringan ng fans nila ng karibal na si Nora Aunor noong kapanahunan nila.

Maluluma raw ito sa away sa social media ng mga faney ngayon dahil noon talaga ay uso ang pisikalan.

Naibahagi niya ang isang insidente kung saan um-attend siya noon ng premiere night ng kanyang movie.

May naramdaman na lang daw siyang sakit na tumusok sa kanyang tagiliran.

Huli na lang daw nang malaman niyang may hater na tinusok pala siya ng perdible, bagamat hindi na niya nakita kung sino ang gumawa noon.

Pagbabalik-tanaw pa niya, sa pagiging intense ng rivalry nila noon, nagkakapisikalan daw talaga ang kanilang mga tagahanga dahil sa fan wars.

May okasyon daw noon na saksi sila ni Guy na nagbabangayan at nagbabatuhan ng mga silya ang kanilang unruly fans habang sila ay kinokoronahan ng stage.

Dagdag pa niya, maging sila raw ng Superstar ay nagkatampuhan din noon dahil sa pag-aaway ng kanilang fans at supporters.

Hindi umano sila nag-iimikan kahit magkaeksena sila at naging awkward ang kanilang sitwasyon.

Gayunpaman, nang namatayan daw si Nora, dumalaw daw siya para makiramay at doon na sila nagsimulang magkabati.

Sa ngayon daw ay magkumare na sila ni Guy. Minsan ay napagtatawanan na lang daw nila ang mga kababawan noon ng kanilang mga faney.

Leave A Reply

Your email address will not be published.