Abante Tonite Interactive

VILMA, NAGKALAT!

55

NATAWA kami sa kuwento ng isang source namin na nag-abang sa pagda­ting ni Cong. Vilma Santos kasama si Sen. Ralph Recto at ang anak nilang si Christian sa Dolphy Theater kamakalawa.

Si Cong. Vi ang recipient ng Natatanging Gawad Urian.

Pagdating ng Star for All Seasons, naghintay lang daw ito sa labas ng theater dahil malapit na siyang tawagin para tanggapin ang natu­rang award.

Bitbit ni Cong. Vi ang kanyang hand bag na aksidenteng nabuksan, nahulog ang laman nito.

Ang akala ng aming source, mga datung ang laman ng clutch bag na bitbit ni Cong. Vi. Nalokah siya na mga kendi pala ang laman.

Mamahaling kendi ang laman, pero nagkalat sa sahig nang maglag­lagan ang mga ito.
Nataranta ang mga kasamahan niya sa pagpulot ng mga kumalat na kendi.

Inawat daw sila ng actress/politician.
Hayaan na lang daw.

Maya-maya, may ina­bot daw ang isang alalay na isang box na kendi at iyun ang ipinalit na nilagay sa kanyang bag.

Laging may kendi palang baun-baon ang Star for All Seasons.