Abante Tonite Interactive

VILMA, NAGULAT SA POSER

35

HAVEY: Hindi ako makatulog noong isang gabi dahil sa pagboto ng ating mga Kongresista tungkol sa P1K budget para sa Commission on Human Rights.

Kaya nag-post ako sa aking FB page kung ano ang stand ng ating mga kasamahan sa industriya tungkol sa isyu.

Baka kasi hindi lang sila nahagip ng camera during that hearing na binabagyo tayo ni Maring.

I called on the following House Representatives — Vilma Santos, Alfred Vargas, Lucy Torres-Gomez, Yul Servo, Monsour del Rosario and Toff de Venecia to air their side.

At pagkagising ko kahapon, heto ang sagot sa akin ni Ate Vi.

“Noel… I wasn’t present yesterday … I had an ulcer attack. Am under medication now but will go sa office today !!! Will text you my stand !!! Am not in favor!!!!

“My stand Noel!!

“I am against cutting the budget of the CHR. The Commission has a duty to perform its Constitutional mandate.

“With so many crimes/EJK — it needs more resources for these investigations.

“Ito ang isang Ahensya na tumutulong sa karapatang pang tao!!!”

Napasagot ako sa kanya ng, “YOU HAVE MY HIGHEST RESPECT & LOVE ATE VI!”

Ito’y pagkatapos siyang i-bash ng ilang netizens na nagsabing, “Nasaan na ang kataru­ngan para kay Ka Dencio?” in reference to her landmark film na Sister Stella L.

Meron pang tahasang nag-akusa sa kanya bilang bayaran at mas concerned pa sa kanyang political survival kaysa sa kapakanan ng bayan.

These were all put to rest nang kahit ang anak ni Ate Vi na si Luis Manzano ay nag-tweet din tungkol sa stand ng ina.

Nakakabahala lang na merong poser si Ate Vi sa Twitter na naka-confuse pa sa issue dahil conflicting ang report.

Sinabi pa ng poser na “I’m proud of my vote” pagkatapos bumoto raw na pabor sa P1K.

Katulad ko, hindi rin techie si Congresswo­man Vi.

Lurker lang siya social media.

Bigla tuloy siyang nag-reply sa akin, “I don’t even have a twitter account !!!:)”

Sa gitna ng lahat ng ingay, nakakapanatag lang na Ate Vi is always a good news.

Sabi ng kilalang journalist na si Danny Buenafe, “Ate Vi is always on the right side of history. She also voted against death penalty!”

Hiling ng kanyang tagahanga na isang da­ting host din, “I hope she asserts her stand so the entire country will hear and listen.

“Her light & her voice are needed now more than ever.”

***

WALEY: Kahit bu­mabaha at bumabagyo ay sumugod pa rin ang mga tao sa invitational screening ng Cinemalaya Best Picture na Respeto.

Nasa naturang screening si Gary Valenciano at ang anak na si Paulo na hindi ininda ang layo ng Antipolo, at pinalakpakan ang husay ng mga bumuo ng pelikula.

Nandoon din sina Agot Isidro, Mylene Dizon, Atom Araullo, Christian Bautista, JC Santos, Sitti, a lot of theater people, directors at mga people from academe and the media networks na ina­asahang magkalat ng magandang balita ukol sa pelikula.

Nakakakaba kasi dahil hindi ito ang tipikal na romcom na inihahain sa mga manonood.

Nagkakaisa ang mga nakapanood na dapat itong tangkilikin at suportahan lalo pa’t isa itong eye-opener sa mga nangyayari sa ating bansa.

Sabi ng batikang American journalist na si James Deakin, “That was a really powerful film.

“Everything about it was great, the story, the acting everything… and that ending.

Wow.”

Pati ang mag-asa­wang Liza Dino at Aiza Seguerra ay nandu’n para sumuporta.

Ang sabi ni Aiza, “Ito ‘yung tipong pelikula na, even after the credits nakaupo ka pa rin, you’re just really taking in eve­rything.

“‘Yun ‘yung important na napagsama mo ‘yung social relevance at ‘yung entertainment factor.

“Napakaganda ng music, the lyrics was just amazing, cinematography was great, the acting was spot on.

“It’s a beautiful film.”“It’s a beautiful film.”Bago kami umuwi, isang halos speechless na Mr. Pure Energy ang nakuhanan ng ilang pahayag ukol sa Respeto, “I was holding back the tears. “This movie is going to stay with me for a long long time.

Thank you for this film.”Napatunayan sa pelikulang ito na magkaiba man ang ating politika, puwede pa ring magkaisa kung may RESPETO.

Ganyan ang nangyari sa ex-couple na may iba’t ibang kasamang kaibi­gan sa screening na pawang safe naman.

Naisulat ko na noon na nag-break ang dalawa­ dahil sa isang nakakairitang starlet. Sana, magkabalikan pa rin sila. I’m sure, ipagdarasal sila nina Gary at Paulo Valenciano.