Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vilma nahuli si Lucky hawak ang pototoy

0 594

NI: ARCHIE LIAO

Aliw ang tsikahan ng magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola na tampok sa vlog ng aktres.

Sa kaswal na panayam, tinanong ni Jessy ang boyfriend kung ano ang hindi nito malilimutang embarrassing experience sa tanang buhay niya.

SM food to go Banner Ad

Deretsahan namang sinagot ito ni Luis na sa kanyang pagkaalala, ito raw iyong panahong nahuli siya sa akto at sinita ni Ate Vi habang hawak ang kanyang pototoy.

Ito rin daw iyong panahon na namumulat na si Adan kay Eva sa mundo.

Para maka-get over daw sa pagkapahiya, gumawa na lang siya ng alibi at nagsakit-sakitan para ma-justify ang kanyang ginagawa.

Tungkol pa rin kay Congresswoman Vi, kung may isang bagay raw na minimithi siyang mangyari, ito ay ang mai-date at magkaroon ng “alone time” with his Mom na hindi nangyari lalo pa’t lumaki siyang hindi masolo ang panahon nito dahil sa showbiz at politics.

Leave A Reply

Your email address will not be published.