Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vilma nainggit kay Luis

0 65

Halatang na-enjoy ni Star For All Seasons and Congresswoman Vilma Santos ang pagge-guest niya sa vlog ng anak na si Luis Manzano dahil mayroon na rin siyang sariling YouTube channel ngayon at magba-vlog na rin daw siya.

Matatandaang nitong mga nakaraang linggo ay parating naka-feature si Ate Vi sa mga vlogs ni Luis sa YouTube.

Naroong mag-zumba sila, naroong interbyuhin nila ang isa’t isa at sa latest video nga ng TV host ay heart to heart talk naman ang drama nila.

Sa dulo ng vlog ay tila nainggit at nag-request si ate Vi kay Luis na igawa rin siya ng YouTube channel dahil gusto rin daw niyang mag-vlog.

Tanong ni Luis, “ano ba gusto mo, lifestyle?”

Sey naman ni ate Vi, “everyday, lahat ng activities ko, ikukuwento ko sa kanila.”

Sinabi rin ng Star For All Seasons na seryoso siya talaga at sabi pa niya, kailangan daw, bago umuwi sina Luis at Jessy ay gawan muna siya ng account.

Sinunod naman ito ng mag-asawa kaya ngayon ay may sarili nang YouTube channel si Ate Vi. When we checked the account, kahit wala pang video ay may almost 8,000 na itong subscribers.

Sa comment section nga sa vlog ni Luis ay marami na nagsabing looking forward na sila sa mga videos ni ate Vi sa channel nito.

Anyway, sa Heart to Heart Talk with Momski vlog ni Luis ay tinanong niya ang ina kung ano ang best marriage advice na pwedeng ibigay nito sa kanya.

Ayon kay ate Vi, marami na siyang ikinasal na couples noong Mayor pa lang siya at sey nga niya, wala naman daw perfect marriage talaga.

“Eto na lang ang importante. Kasi sabi nila, ‘oh kasal na kayo, the first 3 years, it’s going to be an adjustment period’. No such thing,” she said.

“The whole time of the relationship is adjustment. Habang nagkakaedad kayo, umiiba ‘yung mga priorities n’yo sa buhay. Minsan, may makikita kang nag-iiba kay Jessy and vice versa.

Related Posts

“So, as a partner, kailangang intindihin mo ‘yun at ang magpapatibay lang niyan, it’s not even love, it’s respect sa partner mo. And when you respect your partner, everything follows,” dagdag pa ni ate Vi.

Na-appreciate naman ni Luis ang napakagandang payo ng ina at pinasalamatan niya ito.

@@@
Sue nilalanggam ang lambingan sa dyowa

Kahit pandemya ay nananatiling matatag ang relasyon nina Sue Ramirez at Javi Benitez and in fact, parang mas lalo pa ngang tumibay ngayon.

Nito lang nakaraang Miyerkules ay may kanya-kanya silang pasabog sa kanilang Instagram page.

Nag-post si Sue ng larawan nila ni Javi na magka-holding hands at nilagyan ng sobrang nakakakilig na caption.
“Please always remember that you have a hand to hold when you need it and even when you don’t. Thank you, My everyday. I love you so much @javibenitezzz,” ang caption ni Sue.

Hindi naman nagpatalo si Javi at nag-post din ng mga sweet photos nila ni Sue na nasa dagat with matching super-sweet na message.

“Thinking of you keeps me awake. Dreaming of you keeps me asleep. Being with you keeps me alive. You make the world so much more beautiful, Inday Sue. I love you,” ang caption ni Javi.

Pati ang mga celebrity friends nila ay nag-react sa tamis-tamisang pasabog ng magdyowa.

“Ano po meron?” komento ni Angelica Panganiban.

“Tamis,” reaksyon naman ni Barbie Imperial.

Binati naman sila ni Ruru Madrid ng “happy anniversary.”

Matatandaang nagsimula ang love story nina Sue at Javi nang magkatrabaho sila sa pelikulang Kid Alpha One before the pandemic. Kinumpirma nila ang kanilang relasyon last year.

Leave A Reply

Your email address will not be published.