Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vilma napangitan kay Luis

0 83

Ni Archie Liao

Funny, touching at entertaining ang naging tsikahan ng mag-inang Congresswoman Vilma Santos-Recto at Luis Manzano sa YouTube channel ng actor sa episode na “Heart to Heart with Momski.”

Tinanong ni Luis ang Star for All Seasons ng question na hindi pa niya naitatanong sa kanyang ina.

Sa nasabing vlog, naikuwento ni Ate Vi na nang ipanganak daw niya si Luis ay napangitan siya rito nang una niyang masilayan ito sa nursery.

Wala raw kasi itong kilay o eyebrows, maputing-maputi na akala raw niya ay isang malaking dagang-kosta.

Pero nang iuwi na raw niya ito nang bahay at maalagaan, saka lang daw lumabas ang kaguwapuhan nito sa paglipas ng mga araw.

Sa question naman ni Luis kung anong features ng ama at ina ang namana niya, sinabi ni Ate Vi na mula noo hanggang ilong ay nakuha raw nito ang itsura sa ex-husband na si Edu Manzano.

Related Posts

Ang bibig daw naman at pisngi ng TV host-actor ay nakuha nito sa kanya pero ayaw niya akuin pagdating sa baba.

Katuwiran naman niya, may mga bata raw na kapag lumalaki ay nag-iiba ang hugis lalo na ang mukha.

Naikuwento rin noon ng beteranang aktres na nang ipagbuntis daw niya ang anak ay kasal na sila noon ni Edu.

Natakot pa nga raw siya noon na aminin ito dahil kaliwa’t-kanan ang kanyang mga proyekto at kung ano ang magiging epekto nito sa kanyang karera.

Ang kanyang favorite leading man daw na si Christopher de Leon ang isa sa mga una niyang pinagsabihan tungkol sa kanyang pagbubuntis dito.

Gayunpaman, no regrets daw naman siya sa kanyang naging desisyon dahil biniyayaan siya ng Diyos ng isang mabait, God-fearing at matulunging anak.

Sa pang-uusisa naman ni Luis kung nagkaroon ng pagkakataon na nauwi sa tunay na romansa ang relasyon nila ni Boyet, platonic lang daw ang naging relationship nila, ayon kay Ate Vi.

Leave A Reply

Your email address will not be published.