Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vilma nasakal kay Bobot

0 162

NI: ARCHIE LIAO

Sa unang entry sa kanyang vlog, ikinuwento ng Star for all Seasons na si Vilma Santos ang kanyang naging buhay bilang artista.

Bata pa lang daw siya nang sumabak siya sa pag-arte.

Unang acting award daw niya as a child actress sa pelikulang “Trudis Liit” noong 1963.

First international movie naman niya ang pelikulang “The Longest Hundred Miles”noong 1967.

SM food to go Banner Ad

Noong dalagita na raw siya, first love team partner naman niya ang namayapang actor na si Jay Ilagan.

Ang actor turned director namang si Edgar “Bobot” Mortiz ang una raw niyang boyfriend.

As a boyfriend, sobra raw seloso si Direk Bobot.

Pinagbabawalan daw siya nito noong magsuot ng maiikling damit at overprotective raw ito lalo na kung may lalapit na fans sa kanila.

Noong 21 years old na raw siya, nagsimulang magbago ng image by tackling gritty roles.

Leave A Reply

Your email address will not be published.