Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vilma pakialamera na kapitbahay

0 349

Aminado si Star For All Seasons at Lipa City representative Vilma Santos na hindi siya ang tipo ng tipikal na asawa na ultimo pagbibihis ng mister ay inaasikaso. Natanong kasi siya kung sino si Ate Vi bilang maybahay ni Sen. Raph Recto.

“Hindi po ako ‘yung klase ng maybahay na nag-aayos po ng tuwalya, t-shirt o pantalon o kung anuman sa kanyang asawa. Pero ako po ay isang asawa na lagi pong naniniwala sa kanyang partner at hindi po nakikipagkumpetensiya sa kanyang partner.

“Basta’t everytime na kailangan po niya ng kapareha o makikinig sa kanya, nandidito po ako as a wife,” pahayag ni ate Vi sa Balitaan at Kumustahan sa Politiko News & Media Website.

Dagdag pa ng Star For All Seasons, 35 years na raw ang relasyon nila ng mister.

“We’ve been together for 35 years na po. Palagay ko, kung nagtagal naman po kami ng ganyang katagal, baka mabait naman akong asawa,” sey niya sabay-tawa.

Natanong din kung sino ang mas matikas sa bahay, kung si Congresswoman ba o si Senador. Sagot niya, “basta ang alam ko po, si Senador po ang hari po ng amin pong tahanan. Pero ako po ang alas.”

Nagkatawanan sa sagot na ito ni ate Vi dahil kung sa baraha, we all know na mas mataas ang alas kaysa sa hari.

‘Kaaliw din ang sagot niya nang tanungin siya kung anon’g klase siyang kapitbahay.

“Si ate Vi po, sa kapitbahay, pakialamera,” natatawa niyang sambit. “Pagka naglalakad po ako, let’s say sa umaga, minsan naglalakad-lakad around the village, ‘pag meron pong medyo maruming harapan, nagpapasabi po ako, ‘naku, napakarumi naman niyan, baka pwedeng tawagin ‘yung mga barangay, ipalinis.”

Normal din naman daw siyang kapitbahay at sey pa niya, “I care for my neighbors also, definitely.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.