Abante Tonite Interactive

Vilma, Ralph suportado ang ABS-CBN

788

Ang mag-asawang Sen Ralph Recto at Rep. Vilma Santos-Recto (of Lipa, Batangas) ay parehong sumusuporta sa renewal ng franchise ng ABS-CBN .

Parami nang parami ang iba’t ibang sector ng ating lipunan ang nagpapakita ng suporta sa beleaguered TV network .

Ang pakiusap ng mas nakararami, i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Xian hindi na bano umarte

Acting piece na maituturing ang ipinakita nina Cristine Reyes at Xian Lim sa pelikulang “Untrue”

Naging rebelasyon ang dalawa sa nasabing psychological-drama-thriller movie na kinunan pa sa Georgia .Kakaunti lamang ang mga Filipino na nakatira roon na hindi lalampas ng 30. Parehong nag-mature ang acting nila.

Marami rin ang nagulat sa “Adan” star na si Rhen Escano na bukod sa kanyang paghuhubad ay nagpakita rin ito ng husay sa pag-arte.

Palabas na ngayon sa mga sinehan ang pelikula. Ito ay pinamahalaan ng writer-director na si Sigrid Andrea Bernardo.

Michelle kabado sa Miss U Philippines

Marami ang repeater sa kauna-unahang Miss Universe Philippines mula sa pamumuno ng dating Miss Universe runner-up na si Shamcey Supsup-Lee. Isa na rito ang 2018 Bb. Pilipinas-Globe na si Michelle Gumabao.

Although may past experience na si Michelle sa pageant, hindi nito ikinakaila na nininerbiyos pa rin umano siya sa kanyang pagsali sa Miss Universe Philippines .

52 candidates na makikipag-compete sa grand coronation night on May 3, 2020 na gaganapin sa SM MOA Arena.

Si Gazini Ganados ang siyang magpuputong sa kauna-unahang Miss Universe Philippines .