Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vilma tatakbong senador sa Isko-Doc Willie tandem

0 134

Sa ilalim na tambalan nina Manila Mayor Isko Moreno at Dr. Willie Ong sasama umano si House Deputy Speaker at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto sakaling tumakbo ito sa pagka-senador sa 2022.

Ito ang sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa kanyang pinadalang mensahe sa mga reporter.

“If she runs it will be with Mayor Isko and Dr. Willy Ong. Will decide by Sept 30,” ani Recto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Wala pang pinal na desisyon ang mag-asawa hinggil sa kanilang plano sa 2022 subalit nauna nang nagpahiwatig si Recto na maaring magpalit sila ng puwesto sa susunod na halalan.

Nauna nang kinumpirma ni Recto ang suporta nilang mag-asawa sa pagtakbo ni Moreno sa pagka-pangulo sa susunod na eleksiyon. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.