Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vilma, Toff nanindigan sa Dos

0 517

NI: ALWIN IGNACIO

Let us give credit where credit is due at immortalize ang pangalan ng mga kongresista na nagbigay ng NO votes for the denial of ABSCBN franchise. Sila ay sina Rep. Sol Aragones, Rep. Christopher De Venecia, Rep. Carlos Zarate, Rep. Gabriel Bordado Jr., Rep. Vilma Santos-Recto, Rep. Lianda Bolilia, Rep. Jose Tejada, Rep. Bienvenido Abante, Rep. Stella Quimbo, Rep. Mujiv Hataman at Rep. Edward Maceda.

Ang may showbiz connections dito ay sina De Venecia, si Toff ay naging child actor at sa kasalukuyan ay artistic director ng the Sandbox Collective. Ang Star for Seasons, si Vilma Santos at si Edward Maceda, na anak ni Mrs. Marichu Vera-Perez Maceda, na alam nating film producer.

Sa panayam ni ate Vi sa teleradyo ng ABS-CBN ay nagulat din si Ate Vi sa naging resulta. Sambit niya, “Bakit kami kumonti ng ganito na lang? Very significant naman na bigla na lang kami naging 11. May mga ganyang palakad na kung minsan ay hindi natin basta matatanong o makikuwestiyon. Maski ako, hanggang ngayon, hindi ko ma-absorb, nahihirapan ako. “

Leave A Reply

Your email address will not be published.