Abante Tonite Interactive

Vilma trip sina Daniel, Joshua, James

900

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Piping hot green tea at polvoron ang kasangga para hindi antukin dahil nga ang The Bottomline ni Boy Abunda, kung saan ang panauhing pandangal ay ang Star For all Seasons Vilma Santos, halos Cinderella hour na nu’ng umere.

Ang nakakaloka pa, parang walang masyadong pralala at payanig tungkol sa panayam na sa mismong birthday ni Congresswoman Rosa Vilma Santos-Recto ipinalabas. Malaking pasa­lamat ko sa isang Facebook post kaya ko napagtanto na ang isa sa huling apat na movie queens ang pa­nauhin.

Ang styling talaga ni Santos, very presidential na talaga. Prim, proper, elegant at alam mong matalino at may puso ang kanyang mga sagot lalo na sa aspetong public service ang usapin.

Sabi niya nga, ibang klaseng kaligayahan ang kanyang nadarama sa tuwing nakikita niya na nakakatulong siya sa kanyang mga kinasasakupan. Na kahit hindi niya pera ang ginagamit, na sa buwis ga­ling ang kanyang ibinibigay sa kanyang publiko, ‘yung taimtim na pasasalamat mula sa kanyang mga tinulungan para sa kanya ay priceless.

Alam na niya rin na “Kahit na nasa super majority block ako, alam ko yung mga bagay-bagay na dapat kong sang-ayunan at hindi” at ang pinakamahirap sa public service, “Laging damn if you do, damn if you don’t,” na mas maintriga, mas masilumuot ang mundong pulitikal at serbisyo publiko kesa sa showbusiness.

Sa ganang showbiz, ang mga young actors na gusto niya sanang makatrabaho, “Si Daniel Padilla, maga­ling yun. Si Joshua Garcia. Magaling rin, at Batangenyo pa. Si James Reid. Alam niyo naman, may appeal rin yung lalaking may pa-slang-slang.”

Kung gagawing pelikula ang buhay niya, ang gusto niya sanang maging Vilma Santos ay, “Sana, si Clau (Claudine Baretto) o kaya si Kathryn Bernardo.”

Pag-amin ni Vilma, “Miss na miss ko na ang showbiz. Pag may free time nga ako, ang mga teleserye, pinapanood. Na-mi-miss ko ang taping, ang shooting saka yung pag nag-cut na, yung kwentuhan ha nexbang sabay-sabay ka­yong kumakain.”

Ang next big role na gusto niyang gawin, “Gusto ko maging babaeng Muslim. Halos lahat yata nagampa­nan ko na. Yung iba pa nga, paulit-ulit pa.”

‘Pag tapos na ang kanyang karerang pulitikal, ang gusto niyang gawin ay, “Gusto kong maging direktor. Yun talaga ang nakikita kong gagawin kong susunod. Sigurado na magiging feminist director ako. Parang sina direk Marilou (Diaz Abaya) at Laurice (Guillen). Gusto ko na ang mga isyung pambabae talaga ang maipapakita ko sa mga pelikula ko.”

Related Posts

Bilang pagtatapos, pinagdugtu­ngan ni Abunda sa Star For All Seasons na, “I am Vilma Santos and….” Ang sagot ni Vilma, “I am Vilma Santos and I am proud of myself.”

Oo naman, dapat na maging proud ang nag-iisang Vilma Santos sa kanyang sarili dahil isa siya sa longest reigning, awar­ded and respected movie queens, mabuting asawa at ina, higit sa lahat, politikong may puso at paninindigan.

Mahusay ka! Mabuhay ka, Ms. Rosa Vilma Santos- Recto. Abang na abang na kaming mga Vilmanians sa susunod mong pelikula.

Maja, Zanjoe luhaan sa takilya?

Ang To Love Some Buddy nina Maja Salvador at Zanjoe Marudo, nagbago ba ang kapalaran sa takilya o totoong lugami at luhaan ang mga ito?

Sa favorite Southern mall na lagi kong pinapanooran, ang Salvador-Marudo flick, naka-sliding na ang sche­dule.

Ano ang nangyari? Kulang sa promo? Kulang sa ingay? O ang publiko, mas ginastusan pa ang kanilang Holloween eme at costumes, o ang budget sa kandila, bulaklak at mga kutkutin at pagkaing dadalhin sa sementeryo inilaan ang budget kesa panoorin ang pelikula na parang your life will go on pa rin naman kahit hindi mo sila napanood.

Ang underperformance ng pelikula nina Marudo at Salvador, ano ang nagsusumigaw na katotohanan? Na sila ay pang-TV lang at hindi pang-pelikula?

Na ang kanilang “kasikatan” ay isang malaking ilusyon na by product lamang of all the buzz, chika and hype?

Na wala silang fans na may purchasing powers or wala talaga silang fans at all? Oo, pinapanood ang kanilang mga shows sa telebisyon dahil nga nasa free TV ito at malaki ang following nila on-line dahil ‘di hamak na mas mura ang piso net at data kesa mag-sine?

Ang daming tanong, dear Abante Tonite readers, meron ba kayong mga sagot o look na lang kayo sa sky, with matching pamemewang at pagdadabog ng bangs sabay irap while saying, “Puwede na silang maging the WHO times three noh!”