Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vin, Sophia umaming magkaka-baby na

0 59

NI: VINIA VIVAR

Kumpirmadong maging tatay at nanay na nga ang engaged showbiz couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert. Ito naman ang laman ng kanilang announcement kahapon na sakto pa sa celebration ng Valentine’s Day.

Nag-post ng video sa kanyang IG page at makikita rito na malaki na ang kanyang tiyan. Sa kanyang caption ay mababasa ang mensahe sa paparating nilang baby na “see you soon our little one” which means mukhang malapit na siyang manganak.

“8 years together and bound forever by our greatest love thus far. See you soon our little one! Happy Valentine’s day everyone,” ang buong caption ni Sophie.

Idinaan naman ni Vin sa isang tula ang kanyang announcement na may kalakip ding teaser ng kanilang engagement video ni Sophie.

“My fire, my inspiration. My weakness, my strength. I will carry the whole world. All for my little family.

“Soon, the wait will be over. And we will be complete.

“Happy Valentine’s Day everyone!” ang caption ni Vin.

Inanunsyo rin niyang mapapanood sa kanyang YouTube ang kanilang engagement video.

Inulan ng katakot-takot na pagbati at congratulatory message ang announcement ng dalawa mula sa kanilang fans and celebrity friends.

Matatandaang sunod-sunod ang announcement nina Vin and Sophie nitong mga nakaraang araw. Una nilang inanunsyo last week na magsasama na sila sa isang bubong na sinundan naman ng pag-amin last Feb. 13 na engaged na sila at ngayon ay ang kumpirmasyon naman na magkakaroon na sila ng first baby.

Congratulations SoVin!

Leave A Reply

Your email address will not be published.