Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vin, Sophie nag-away sa baby

0 619

NI:ARCHIE LIAO

Maraming bagay ang itinuro kay Vin Abrenica ng pagiging tatay.

Kung noon ay nakapokus lang daw sa sarili ang kanyang prayoridad, nabago daw ito nang magkaanak sila ng fiancee na si Sophie Albert.

Lumawak daw ang kanyang perspektibo at sense of purpose sa buhay.

Iba raw kasi ang galak na ibinibigay ng pagiging dad.

May bentahe rin na bago pa man siya sumuong sa showbiz ay nag-aral siya ng nursing kahit hindi niya ito natapos.

Nagagamit daw niya ito sa pag-aalaga sa kanyang baby, lalo pa’t siya ang nagpapalit ng lampin nito.

Kahit ilang gabi nang puyat sa pag-aalaga ng kanilang sanggol mula nang isilang ito, wala namang reklamo si Vin.

Minsan daw ay nag-aaway sila ni Sophie dahil tingin nito ay ini-spoil na agad niya ang kanilang anghel.

Aminado namang very protective si Vin pagdating sa kanyang mag-ina.

No para sa kanya ngayon ang pagbabakuna lalo pa’t wala pang matibay na patunay na safe ang mga ito.

Sa panahon ng pandemya, naging pagkakataon din ito para mabuksan ang mga mata niya sa pagnenegosyo.

Di niya ikinahihiya na nagbebenta sila ng partner niya ng gym products. Meron na rin silang YouTube channel.

Kasalukuyang ginagawa ni Vin ang Nelia ng A and Q Productions, isang psychological thriller sa direksyon ni Lester Dimaranan mula sa panulat ni Atty. Melanie Honey Quiño.

Kasama rin sa cast sina Winwyn Marquez, Ali Forbes, Dexter Doria, Lloyd Samartino, Mon Confiado, Shido Roxas at Raymond Bagatsing.

Leave A Reply

Your email address will not be published.