Abante Tonite Interactive

Vina, Marlo never nag-walkout sa show

614

Dahil nga hot topic pa rin ang walk-out incident ni Morissette Amon sa birthday concert ng singer na si Kiel Alo two weeks ago, pati sa mga cast ng pelikulang Damaso ay naitanong ito sa ginanap na presscon kamakailan.

Natawa na lang si Vina nang matanong kung nagkaroon na ba siya ng walk out incident sa show at aniya, ayaw daw niyang makisawsaw sa issue.

“But you know, in my 3 decades ba in the business? Medyo matagal-tagal na rin naman ako because I started when I was 9, never in my life naman na wala akong nasipot na trabaho ko.

“Ganu’n lang talaga pag mahal mo ‘yung trabaho mo at nagka-career ka talaga sa ganitong klaseng industriya kapag nagagampanan mo ‘yung mga trabaho mo nang maayos.

“So, I’m just talking about for myself ha, hindi ‘yung situation na nangyayari ngayon sa iba,” sabi ni Vina.

Natanong din ang isa pang cast na si Marlo Mortel who is a good friend of Morissette at ayon sa Kapamilya artist, never daw niyang gagawin na mag-walkout sa trabaho.

“Kasi, nun’g namatay nga ang mommy ko, the next day, lumipad pa ako ng Bacolod to sing. Imadyinin mo, namatay nun’g hapon, pero kumanta ako. Actually, ayaw na nga nila akong patuluyin kasi, medyo understandable naman ‘yung nangyari.

“But I did kasi sobrang love ko ‘yung work ko. And alam ko ‘yung nakakahiya sa mga nag-book sa akin, dahil bayad na rin ako, ganyan, alam ko ang responsibility ko as an artist,” pahayag ni Marlo.

Pero ipinagtanggol din naman niya si Morissette na siguro raw ay hindi nito gustong gawin ang pagwo-walk-out.

“Let’s say na lang na feeling ko, mas matimbang na ang gulo nila sa family. Feeling ko, ‘yun din ang nakakapagpagulo sa kanya,” sey ni Marlo.

Payo na lang niya na sana raw ay ayusin na lang ng pamilya ang problema ng mga ito.

“Siguro, dapat, ayusin nila ‘yun kasi, hindi normal din ‘yun, eh. Na ayun nga, nagtu-tweet ‘yung daddy na ganu’n. So for me, there must be something really wrong,” aniya.

Natanong si Marlo kung naging sila ba ni Morissette dahil na-link din sila dati at inamin naman ng singer/actor na nagkaroon sila ng “special something” before. Pwede rin daw sabihing MU (mutual understanding).

Pero sobra nga raw higpit ng parents ni Morissette kaya hindi na nagtuloy-tuloy ang kanilang relasyon.

“Bukod siyempre sa may kanya-kanya kaming career pero over-protective talaga ang family niya,” sabi pa ni Marlo.

Taong 2016 pa raw ‘yun at hindi rin naman daw nagtagal ang ‘something’ nila.

Bidaman Jin napuno ang 6 na sinehan

Puno ang 6 na sinehan sa SM Megamall kung saan nagkaroon ng premiere night ang pelikulang “Damaso” na pinagbibidahan ni Jin “BidaMan” Macapagal at ni Arnell Ignacio written and directed by Joven Tan. Maging kami ay na-shock sa rami ng tao na sumugod sa event which made us think na ganito na siguro talaga kasikat ang grand winner ng “It’s Showtime” BidaMan contest.

First movie ito ni Jin at bida na kaagad. Well, para saan pa nga naman at naging BidaMan ang tawag sa kanya kung magiging kontrabida siya sa isang proyekto.

For a debut film, puwede na rin si Jin although we’d say na talagang may mga improvement pa siyang dapat ikarir kung gusto niya talagang pasukin ang pag-arte.

Hango ang pelikula sa “Noli Me Tangere” ni Jose Rizal pero kakaiba ang atakeng ginawa rito ni direk Joven. Ginagampanan ni Jin ang papel na Crisostomo Ibarra, Arnelli bilang Padre Damaso, Kapamilya star Riva Quenery as Maria Clara, Vina Morales as Sisa, Leo Martinez as Kapitan Tiago and Ejay Falcon as Elias.

Para kang nanonood ng 2-in-one movie sa “Damaso” dahil may Spanish at modern setting. Sa modern setting ay inilahad niya ang struggles ng pagiging isang movie producer pati na ang mga nagtatrabaho sa produksyon tulad ng writer at director.

Mapapanood naman sa modern setting sina Aiko Melendez, Marlo Mortel, Irma Adlawan and Nyoy Volante.

Isa sa kakaiba sa “Damaso” ay musical film din ito at the same time. Mapapanood at maririnig nating umawit ang mga cast sa modern and Spanish setting.

Ipinakikita sa pelikula na halos walang pagbabago ang ating bansa mula pa noong panahon ng Kastila hanggang ngayon partikular na sa mga corrupt at mapang-abusong leaders. Na ang mahihirap ay lalong naaapi at ang mayayaman ang makapangyarihan.

Maraming beses na tayong nakapanood ng dramatization ng Noli Me Tangere pero kung bakit nga hindi ito nakakasawang panoorin kahit paulit-ulit na lang. ‘Yung Sisa role, ilang beses na ba nating napanood ito pero it’s still interesting to watch sa tuwing may bagong gaganap. In fairnes to Vina, nabigyan din niya ng justice ang role.

Dahil Spanish setting ang kalahati ng pelikula, makikita ring ginastusan ng Reality Entertainment and Regis Films ang production design nito. And of course, big credit should go to direk Joven dahil hindi naman biro talaga ang magdirek ng historical musical film na. All in one nga ang direktor sa pelikulang ito dahil pati mga kanta ay siya mismo ang nagsulat.

Showing na ngayong Nov. 20 ang Damaso at kasama rin sa movie sina Carmi Martin, Ketchup Eusebio, Ian Veneracion at marami pang iba.