Abante Tonite Interactive

Vina pinaghubad nang anim na beses

By
5,189

Nawindang si Vina Morales sa bago niyang teleserye na ‘Araw Gabi’ dahil nasalang agad ito sa mga mabibigat at daring na eksena. Magsisimula na ito sa Lunes sa ABS-CBN 2 na kung saan ay pinagbibidahan nina JM De Guzman at Barbie Imperial.

Sa u­nang araw pa lang ng taping ay isang mainit na love scene ang ginawa niya kay Victor Silayan.

At sa ikatlong araw, anim na beses ibinilad ang kanyang katawan sa kamera dahil anim na swimsuits ang ipinasuot sa kanya.

Naloka si Vina dahil ngayon pa lang niya ginawa ang ganitong kapangahasan sa teleserye.

Sabi pa ng singer-actress, ang nasabing role ang pinaka-challenging dahil bukod sa nagpapa-sexy siya dito, kontrabida ang kanyang role. Tinanggap niya ito para magkaroon ng ibang flavor ang kanyang acting career.

Nang tanu­ngin siya kung ano ang masasabi ng kanyang anak sa kanyang sensual cha­racter, buong ning­ning niyang sagot na hindi raw niya papayagang manood ang anak niyang si Ceana.

Samantala, napa-‘grabe naman’ si Vina sa tanong kung hindi ba nya nami-miss ang mga abs ng mga dating nakarelasyon dahil sa mga love scene niya sa ‘PHR Presents Araw Gabi’. Wala ka­sing boyfriend ngayon ang actress-singer.

Bulalas niya, darating din daw ang pagkakataong mabibigyan siya ng tamang lalaki. Ang huling kasintahan ni Vina ay isang French businessman na nakabase sa abroad.

Willie at Vice target ng TESDA

Gustong kausapin ni TESDA Secretary Guiling ‘Kuya Gene’ Mamondiong ang Kapamilya star na si Vice Ganda at ang Kapuso game show host na si Willie Revillame.

Ito ay para imbitahan ang dalawang big star ng Philippine entertainment TV industry para maging endorser at image model. Gusto niyang makatulong ang dalawa sa pagpapalaganap ng mara­ming proyekto ng TESDA para sa mga Pilipinong nagnanais kumuha ng skill course.

Matatandaang si Sarah Geronimo ay naging i­mage model at endor­ser dati ng TESDA.

Naniniwala si Kuya Gene na malaki ang maitutulong nina Vice at Willie para mas maen­ganyong mag-aral ng skill course ang mga Pinoy para sa kanilang ikabubuhay.

Nakatsikahan namin si Sec. Mamondiong sa presscon at launching ng para sa livelihood pro­ject ng SKILL 2D MAX “Angking Galing Mobile Livelihood Caravan”. Ito ay pinagsamang pu­wersa ng TESDA, National Housing Autho­rity Sir Froilan Kampitan, Ofc of the QC Vice Mayor Joy Belmonte, Celebrity Grooming Icon at Mother­ Ricky Reyes.

4,200 beneficiaries ang tina-target ng S2DM mula sa marginal sector ng society galing sa iba’t ibang relocation sites ng NHA.

***

Ikinatuwa ni Mother Ricky Reyes ang nasagap niyang balita na tumutulong si Vice Ganda sa mga nangangailangan.

Parehong influential at LGBT icon sina Ricky Reyes at Vice. Si Ricky ay sa larangan ng beauty and make-over. Pati na rin sa pagiging advocacist at philantrophist niya. Si Vice naman ay sa showbiz bilang isa sa mga prime artist ng Kapamilya network.

Sabi ni Mother Ricky, masaya siya sa pagsi-share ni Vice ng kanyang mga blessings at pagi-inspire sa mga bading na tumulong din sa kanyang kapwa.

Walang nakikitang masama si Mother Ricky kung ipangalandakan ng ibang mga celebrities ang out-reach program nila o pagbibigay ng tulong sa social media. Discretion raw ito ng mga artista at para na rin mahikayat ang ibang mga celebrities na tumulong din.