Abante Tonite Interactive

Vina: Sarah kailangan nang magka-baby

638

Natuwa si Vina Morales para sa kapwa niya Bisaya na si Matteo Guidicelli nang mabalitaan niyang engaged na ito sa nobyang si Sarah Geronimo.

“I’m really happy for both of them, they deserve each other. I know they love each other. Kasi, si Matteo, Bisaya ‘yon eh, kababayan ko. So, Dodong, I’m happy for you,” masayang sambit ni Vina.

Patuloy niya, “Napagkukuwentuhan namin (ni Matteo) ‘yan si Sarah. I’m really happy for both of them. I’m happy for Sarah. I think it’s really the right time.

“And I hope they will get married soon and have their own family. Ilang taon na rin si Sarah, kailangan na siyang magka-baby. Excited naman tayo for her, ‘di ba?”

Nagkasama noon sina Vina at Sarah sa “ASAP”, so masaya raw talaga siya para sa dalaga.

Hindi pa nararanasan ng 44-anyos na si Vina ang ikasal, so dream niya rin daw ‘yon kung ibibigay ni God.

Hinihintay niya lang daw ang darating sa kanya, hindi na siya naghahanap. 3 years ago pa ang last niyang serious relationship.

Nakikipag-date-date naman daw si Vina, pero dapat daw ay panghabambuhay na ang matagpuan niya. Kung playtime lang ay huwag na lang daw dahil kaya naman niyang mag-isa kasama ang daughter niyang si Ceana (na anak niya kay Cedric Lee).

Happy si Vina dahil nagampanan niya ang isa sa dream roles niya na maging Sisa sa musical movie na “Damaso”. Challenging ito, pero suwerte raw siyang nagampanan niya ang papel ni Sisa. First musical movie pala ito ni Vina sa more than 30 years niya sa showbiz.

Ang gaganda raw ng songs dito na ang sumulat ay ang direktor din nila na si Joven Tan. Sa November 20 ang showing sa mga sinehan ng “Damaso” mula sa Regis Films at Reality Entertainment.

Kasalang Vice-Ion ‘di pabor si Arnelli

Kung si Arnell Ignacio ang tatanungin ay hindi niya ia-advice kina Vice Ganda at Ion Perez na magpakasal.

Katwiran ni Arnelli, isa sa pinakamasaya sa nature of being gay ay ‘yung kalayaan mo.

“Kung gusto nilang magpakasal, wala namang problema du’n, eh. If that would make them happy. Pero ako, ha? Sa mga kapatid kong gays, alam mo ‘yung pakiramdam na, ‘Teka, nakatali na pala ako!’ na lampas sa pakiramdam mo?

“Eh ang mga bading, ang gusto natin lagi eh ‘yung pakiramdam mo ang on top of it all. Ngayon, kung may external na bagay na nagsasabi na sa ‘yo na you’re together officially, meron siyang epekto na medyo natatalbugan ‘yung natural mong saya. Pananaw ko lang ‘yon, ha?” sambit ng singer-actor-comedian.

‘Pag pumatol ba ang lalaki sa bading, bading na rin ito?

“Naku, wala nang mga ganu’n-ganu’n ngayon. Hindi na ako naniniwala sa gano’n,” sagot ni Arnelli.

So, naniniwala siyang straight si Ion?

“I think so. And nakikita ko naman na gustong-gusto talaga siya (Vice) ni Ion, kasi parang ang saya nito na kasama si Vice. At palagay ko, maalagang tao si Vice.

“Doon napupunan ‘yung ibang hindi mo makikita sa heterosexual relationship.”

Parang ngayon lang nagkaroon ng isang high profile gay na very open on national TV sa relasyon nito sa isang lalaki. At in fairness ay parang tanggap naman ito ng publiko.

Ani Arnell, masaya siya rito bilang proud member ng LGBT community, pero special case daw ‘yung kina Vice at Ion. Hindi raw ibig sabihin nu’n ay mangyayari na rin ‘yon sa ibang gay couples.

Ang advice ni Arnell kina Vice at Ion ay buuin ang relasyon nila na nag-iiwan ng para sa kanila lang at hindi lahat ng ginagawa nila ay kasali ang publiko.

Si Arnell ay hindi na raw naghahanap ng katulad ni Ion. Masaya naman daw siya sa buhay niya ngayon na nasa public service siya at nasa showbiz pa rin.

Ang bongga ni Arnell dahil mukhang title-roler siya sa pelikulang “Damaso”. Sey niya, dalawa silang Damaso rito ni Marlo Mortel, na in fairness ay kinatutuwaan niya, ha?

Buhay pa rin daw kasi hanggang ngayon ang mga karakter na tulad ni Damaso at isa ‘yon sa mapapanood sa musical movie na dinirek ni Joven Tan.

Maraming song numbers dito si Arnelli at feel na feel niya ang mga kinanta niya.