Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vince binuking may halong alak sa halo-halo ni Geisler

0 97

NI:ARCHIE LIAO

Maraming natutunan si Vince Rillon sa muling pakikipagtrabaho kay Baron Geisler sa pelikulang Pusoy.

Thirteen years old pa raw kasi siya ay nakasama na niya ang magaling na actor sa ilang indie films.

Sobra raw siyang bilib sa pagiging intense na actor ni Baron at napaka-believable ang atake nito lalo na sa kontrabida roles.

May mga pagkakataon pa nga raw na nagi-immerse si Baron para lang aralin ang nuances ng kanyang role.

Katunayan, ibinunyag din niya ang ilang mga bagay na namana niya sa controversial na actor.

“Ito po iyong pumupunta sa set na nakainom pero hindi ko na po ginagawa dahil nakita ko ang epekto sa kanya,”pambubuking ni Vince.

SM food to go Banner Ad

May mga pagkakataon nga raw na hanga siya sa diskarte ni Baron para maidaos lang ang kanyang bisyo.

“Mautak po siya. Dating ginawa po namin, um-order siya ng halo-halo tapos nilalagyan niya ng gin. Basta gusto niyang uminom, iinom siya. Pero ngayon, ang laki na po ng pinagbago niya, siguro lang po takot siya kay Direk Brillante,” sey ni Vince.

Aminado naman si Baron na malaki ang pasasalamat niya kay Vince Rillon dahil sa ginawa nitong pag-alalay sa kanya sa ilang mga eksena nila sa pelikula.

Dahil gambling lord ang role ni Baron, ang huli raw ang nagbinyag sa kanya kung paano ang tamang paghawak ng baraha na integral sa character ng actor bilang sugarol.

Sa sinasabi naman ni Baron na nagagalingan siya kay Vince, mapagkumbaba namang sinabi nito na mahirap na mapantayan ang intensity ni Baron na kanyang iniidolo bilang actor.

“Lagi niya akong pinupuri na hindi ko naman po gusto. Sinasabi niya na ‘ang galing-galing mo. Tahimik ka lang pero nakikita ko ang reaksyon mo.’ Sabi ko naman, huwag kang mag-alala, lamon mo ako rito. Mas intense kang umarte rito sa akin pero may puso. Baron Geisler is Baron Geisler,” bida ni Vince.

Leave A Reply

Your email address will not be published.