Abante Tonite Interactive

‘Vince & Kath & James’ naungusan daw ng ‘Die’

By
10

MAMAYANG gabi na ang Awards night ng 42nd Metro Manila Film Festival sa Kia Theater.

Ang tanong ng ka­ramihan, hindi kaya ang mga pelikulang kulelat sa box-office ang hahakot ng awards?

Kung ganu’n ang mangyayari, puwedeng hahatakin sila pataas dahil na rin sa word of mouth na maganda ang pelikula.

Abante Hiring – IT dep

Ang latest kasing narinig namin, gumanda na ang performance ng Saving Sally sa takilya.

Pataas nang pataas daw ang kita sa takilya, kaya hindi completely natanggal sa mga sinehan.

Noong Miyerkules nang sa Powerplant Mall (Rockwell Center), halos puno ang maliit na sinehan ng Saving Sally sa LFS (last full show).

Samantalang ‘yung 10:00 PM screening ng Kabisera na nasa mala­king sinehan, 15 lang ang manonood.

As of presstime, wala pang ibinibigay na fi­gures ang mga taga-MMFF kung magkano na ang kinikita ng walong pelikulang kalahok.

Sa pagtatanong namin sa ilang sources at pati sa ilang kakilala naming bookers, nalaman na­ming hindi pasadsad kundi pataas daw ang box-office returns.

Ayon sa sa aming reliable source, naungusan na raw ng Die Beautiful ang Vince & Kath & James dito sa Metro Manila.

Impressive daw ang lakas ng entry ni Paolo Ballesteros lalo na raw pagdating ng gabi.

Hindi pa raw nakuha kung gaano ito kalakas sa mga probinsiya, pero dito sa Metro Manila ay bonggacious daw ang pag-ariba ng Die Beautiful.