Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vincenzo ‘nanggaya’ sa finale

0 372

Nag-finale episode na ang tvN’s k-drama na “Vincenzo” noong Linggo.Pinagbibidahan ito ng Korean Superstar na si Song Joong Ki.

Napapanood din ito sa Netflix kaya masasabing hindi lamang sa Korea maituturing na matagumpay ang Vincenzo .

Puwedeng sabihin na sa first quarter ng 2021, ang naturang drama ang isa sa pinaka-successful, so far.

Nakabawi si Song Joong Ki from his last drama, ang “Arthdal Chronicles” na hindi masasabing isang success both from rating, viewership at interes ng tao.

Base sa Nielsen Korea nagtapos ito sa highest rating na 14.636 % nationwide at 16.564 % sa Metropolitan area. Mula sa pilot episode nila na 7.659 % nationwide noong Feb. 20. Sa Pilipinas ay nag-top 1 trending din ito sa Twitter kasabay ng finale episode. Pati na rin sa Netflix PH.

Naitala na rin na 6th highest rating ito sa mga drama ng tvN along with Goblin, Crash Landing on You, Mr. Sunshine, Reply 1988 at Mr. Queen.

Bago ang finale episode, nagpasalamat si Joong Ki at nagsabing hindi niya makakalimutan ang naging experience niya sa drama.

Aniya, “Every time we film, I wish that this production would never end, but somehow we’re already at the final episode. ‘Vincenzo’ is about an Italian man named Vincenzo Cassano who is a fish out of water in Korea until he meets some very special people. Just like in the drama, I started the production feeling like I was in unfamiliar surroundings and ended with a deep sense of affection for the production and its cast. If the viewers hadn’t sent us their love and support, I would not have experienced this happiness. If ‘Vincenzo’ can be a straw for people to grasp at during these difficult days, then I wish for nothing else.”

Sa isang banda, since ang Vincenzo ay dark comedy genre na tungkol din sa crimes, may mga netizen na nakapansin na sa last episode raw nito, tila ginaya umano ang style at ilang scene ng kasalukuyan din crime/suspense/drama na “Mouse.”

Ilan sa comments, “There is a drama which took brake for one week to improve their story and copied many things from Mouse.”

“Yeah.. I noticed it as well.. Like.. wtf.. Running out of idea or what?”

Leave A Reply

Your email address will not be published.