Abante Tonite Interactive

Vindication: B-day wish ni De Lima

By
5

Nagdaos ng ika-58 kaarawan sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP) si Sen. Leila de Lima kung saan pangunahing wish niya ay makalaya at malinis ang kanyang pangalan sa ipinahid na drug charges ng gobyerno.

“Tulad ng nauna ko nang nabanggit, ang birthday wish ko po: vindication.” diin ni De Lima sa inilabas na statement mula sa kulungan.

“Paglaya hindi lamang mula sa ‘di makataru­ngang pagpapakulong sa akin ng rehimeng Duterte, kundi pati na rin ang paglaya mula sa mga kasinu­ngalingan at paninira sa aking pagkababae at pagkatao,” giit ng senadora.

“Gusto ko pong malinis ang pangalan ko, hindi lang para sa aking sarili. Para ito sa aking pamil­ya—sa aking ama at ina, na pinalaki kaming magkakapatid nang marangal.

Para ito sa aking mga anak at mga apo at sa kanilang magiging pamilya.” dagdag pa niya.