Abante Tonite Interactive

Viray twins panlaban ng Chef’s

178

Isa sa dalawang newcomer ang Chef’s Classic Red Spikers na nais makapaggpakita ng gilas agad sa 3rd Premier Volleyball League 2019 Open Conference ba magbubukas sa Linggo, Agosto 11.

Halos mga former at current collegiate standouts ang mga player na bubuo sa Chef’s Classic kaya asahan na iba ang ipapakitang laro ng mga ito.

Bagito man sa liga, kayang-kaya namang makipagsabayan ng mga ito laban sa mga beteranong koponan.

Sa pamumuno nina Justine Tiu ng De La Salle University at Viray twins (Nieza at Ella) ng San Beda University, ‘di magpapahuli ang rookie squad sa bawat laban.

Mabibinyagan ang Chef’s Classic Lady Red Warriors ng Motolite sa darating na Agosto 17, Sabado. (Janiel Abby Toralba)