Abante Tonite Interactive

Virgin coconut oil posibleng pangontra sa coronavirus

772

Tinitingnan ng mga eksperto sa Pilipinas ang posibilidad ng paggamit ng virgin coconut oil (VCO) bilang pangontra sa coronavirus di­sease 2019 (COVID-19) na nakaapek­to na sa maraming mga bansa sa mundo.

Sa Laging Handa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na tinanggap ng University of Singapore ang alok para pag-aralan ang VCO na pangontra sa COVID-19.

Ayon kay Nograles, isang academician mula sa isang kilalang uniber­sidad sa Pilipinas ang nagsusulong para sa paggamit ng VCO.

“As to the efficacy of virgin coconut oil in combatting COVID-19, a ­leading proponent, an academician in one of our top universities is actually spearheading this initiative, and the National University of Singapore has accepted to test VCO against COVID-19,” ani Nograles.

Hanggang ngayon ay wala pang natutuklasang mabisang gamot ang mga eksperto bilang lunas sa COVID-19 at tumataas ang bilang ng mga nasasawi sa nabanggit na sakit.

Sinabi pa ni Nograles na inihahanda na ng gobyerno ang mga sample ng VCO na ipapadala sa Singapore para sa testing.

“We are preparing, sending samples of virgin coconut oil for testing within the week,” dagdag pa ni Nograles.

Patuloy na umaasa ang gobyerno na mali­ligtas ang mga Pilipino sa COVID-19 sa harap ng monitoring na wala pang local transmission ng nabanggit na sakit sa bansa. (Aileen Taliping)