Abante Tonite Interactive

Virgin pa

0 700

Dra. Margarita Holmes

Dear Dra. Holmes: (extremely shortened Sept 28 letter)
I don’t see why people love sex. It hurts but I just can’t wait for my hymen to break so that I can finally find out how good sex should feel. I am 34 years old, btw. No boyfriend yet, but many friends who are willing to help me. No hormonal or biolo­gical issues as far as I know.
Linda

Dear Linda:
Salamat sa sulat mo na una nating pinublish nang buo noong nakaraang Sabado Setyembre 28. Sa huling kolum ko kahapon, Oktubre 5, sinabi ko na kahit na ang hymen mo ay isa sa problema mo, hindi ibig sabihin na wala ka pang ibang problema kaya mahirap sa iyong ma-devirginize. O siguro huwag nating sabihin porblema, pero mayroon kang ibang hinahanap sa first time mo na hindi mo pa nakakamit.

Una, hindi ko alam kung hindi ito ang problema mo, ok? Kasi marami na akong natagpuang babaeng talagang mas gusto na kaibigan at hindi partner ang mag de-devirginize sa kanila.

Pero may iba mga babae naman na ‘di kaya sa kahit sinumang lalake, kahit akala nila kaya nila kung kaibigan lang, pero ang talagang gusto nila ay isang lalakeng minamahal sila at nagmamahal sa kanila. Minsan hindi ito alam ng babae, pero ‘yan ang dahilan na walang nangyayari kung kaibigan lang ang partner niya. Hindi ko alam kung ‘yun ang iyong nararamdamn dearest Linda, pero sa aking opinyon, kaila­ngang eksaminin mo ang isyu na ito.

Ingat—MG Holme
***
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa TONITE tuwing Sabado at Linggo at Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.