Abante Tonite Interactive

Virgin richie boy bininyagan ni young actress

1,027

Naka-jackpot ang isang pa-sweet na young actress (PYA) sa nobyo nito na bukod sa cutie pie na ay yayamanin pa.

Ang daming naiinggit kay PYA kapag nakikita siyang kasama ang kanyang cutie boyfie (CB) dahil mukhang love na love siya ng syota niyang richie-rich.

Gustong sabunutan si PYA ng mga kaedad niyang girlilet dahil bukod siyang pinagpala sa lalaking pinili siyang suyuin at mahalin.

Walang dudang lucky girl si PYA dahil nakabingwit siya ng mayaman na hindi DOM na gurang at amoy lupa kundi kaedaran lang niya na bagets at sariwa.
Ang tsikang nasagap namin, kaya sobrang inlabey kay PYA si CB ay dahil siya ang nakauna rito.

As in virgin boy pala ang yayamaning binata at si PYA ang unang babaeng natikman nito.

Dahil doon ay kapit na kapit si CB kay PYA at ibang level ang pagsamba nito sa dalaga na unang nagbinyag at nagpatikim dito ng kakaibang glorya.
Bago ang richie-rich na si CB ay nakarelasyon ni PYA ang isang young actor na balitang dakila at masarap sa kama.

Nu’ng sila pa ay inggit din kay PYA ang mga amiga niya dahil panalo nga raw ang sukat ng pagkalalaki ng kanyang nobyong young actor.

Medyo proble-matic ang personal na buhay ng nasabing young actor kaya nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nila ni PYA kahit mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Ang masuwerteng si PYA ay maligaya ngayon sa piling ni CB, na hindi man kasindakila ni young actor ay bumawi naman sa ibang bagay kaya one lucky gal pa rin si PYA. (Allan Diones)