Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Virtual lover’ timbog sa sextortion

0 178

Arestado ng pinagsanib na tauhan ng Manila Police District-Police Station 3 at operatiba PNP RACU4A ang isang 23-anyos na lalaki matapos ireklamo ng `sextortion’ ng kanyang `virtual girlfriend’ sa isinagawang entrapment operation sa isang fast food chain kamakalawa sa C. Palanca St., Quiapo, Maynila.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9995 & Art 268 (Anti Photo and Video Voyeurism and Grave Coercion) in rel to Sec 6 of RA 10175, ang suspek na si Boyet Rondina y Malabosa, 23, construction worker at pansamantalang nanunuluyan sa High Infinity One, Oscariz St., Quiapo, Maynila at tubong Brgy. Canumay, Masbate City.

Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek matapos magreklamo ang kanyang girlfriend na si Lyzl, ng Calamba City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid kay PLt. Col John Guiagui, hepe ng MPD-PS 3, na pinagbabantaan umano ng suspek ang biktima na kapag hindi nakipagkita sa kanya at nakipag-sex ay ikakalat sa social media ang hubad niyang larawan at video.

Sanhi nito, pumayag ang biktima na makipagkita kay Rondina sa Jollibee, Quinta Market, Palarca St., Quiapo, Manila dakong alas-12:00 ng tanghali.

Lingid sa kaalaman ng suspek ay humingi ng tulong ang biktima sa mga awtoridad at matapos ang koordinasyon ay ikinasa ang entrapment operation kaya naaresto ang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.