Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Virus bakuna trial arangkada sa November

0 190

Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na uumpisahan ang Phase 3 ng bakuna trial para sa COVID-19 sa November.

Naghahanda na umano ang Sub-Technical Working Group on COVID-19 Vaccine Development ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, na pamumunuan ng Department of Science and Technology (DOST) kasama ang ilan pang ahensya ng gobyerno, para sa clinical trial ng bakuna na gagawin sa bansa.

Sa Phase 3 ng clinical trial, libu-libong pasyente ang tuturukan ng COVID-19 bakuna para masuri ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga ito.

Tatlong manufacturer na umano ang nagpahayag ng kagustuhang magsimula ng mga clinical trial sa ating bansa na kinabibilangan ng Gamaleya Research Institute ng Russia na gumawa ng Sputnik V vaccine, ang Janssen Pharmaceutica ng medical giant Johnson and Johnson, at Sinovac Biotech Co. Ltd. ng China.

Hindi pa nilalahad ng DOH kung ang mga nasabing kompanya ay pumasa na sa mga standard para magpatuloy sa test.(RC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.