Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Virus carrier sa MRT 172 na

0 306

Pumalo na sa 172 ang mga empleyado ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 na nagpositibo sa COVID-19 matapos madagdadagan pa ng 45 panibagong kaso.

Sinabi ni DOTr spokesperson Assistant Secretary Goddes Hope Liberan, mula sa mga bagong kaso ng COVID, may anim na ticket teller sa mga istasyon, isang nurse at isang train driver.

Dahil dito, umabot na sa 172 ang kabuuang bilang ng COVID-19 positive sa mga empleyado ng MRT-3 at ang 166 dito ay mula sa mga depot personnel.

Ayon kay Libiran, ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa MRT-3 ay matapos na lumabas ang resulta ng mga swab test, maging ang patuloy na contact tracing sa nakasalamuha ng mga unang nagpositibong empleyado sa sakit.

Sa kanilang online post, siniguro ng pamunuan ng MRT-3 na mas hihigpitan at palalawigin pa nila ang pagpapatupad ng protocol upang matiyak na ligtas ang kanilang mga empleyado at commuter sa COVID-19. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.