Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Virus case lampas 2K, bagong gumaling higit 9K

0 82

Higit 2,000 pa rin ang naitala na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong araw ng Linggo, Pebrero, 28 subalit nag-ulat naman ang Department of Health (DOH) ng 9,418 bagong gumaling.

Ayon sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 351, nasa 2,113 ang bagong kaso samantalang 29 naman ang nadagdag sa bilang ng mga pumanaw sanhi ng virus.

Hanggang nitong Linggo ay nasa 576,352 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base pa sa datos ng DOH, nasa 29,763 na ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.

Umakyat naman sa 534,271 ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus habang ang mga namatay ay 12,318 na lahat dahil sa nadagdag na 29.

Leave A Reply

Your email address will not be published.