Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Virus case tuloy sa pagbulusok

0 239

Patuloy sa pagbaba ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa batay na rin sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) nitong Linggo.

Sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 435 kahapon ng hapon, nakapagtala ng 3,083 bagong kaso kaya umabot na sa 1,179,812 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng virus infection sa bansa.

Nakapagtala rin ang DOH ng 6,756 bagong gumaling at ngayon ay umabot na sa 1,109,226 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.

May 38 bagong namatay kaya nasa 19,951 na ang kabuuang nasawi sa virus infection.

Sa mga aktibong kaso naman ay nakapagtala ang DOH ng 50,635.

Ayon sa DOH, mas mababa ang mga COVID case nitong Linggo dulot ng tuloy-tuloy na pag-update ng mga kaso sa digital platform na COVIDKaya. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.