Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Virus mas malala epekto sa mga paslit – study

0 333

Mas nagdadala umano ng mas mataas na virus ang mga maliliit na bata.

Ito umano ang lumabas sa pinakahuling scientific na pag-aaral sa novel coronavirus habang nagsusumikap na makahanap ng gamot at vaccines sa COVID-19.

Sa isinagawang pag-aaral ng mga researchers sa Chicago, tinukoy dito ang mga paslit na may edad 5 pababa.

Nakita umano ang mataas na amount ng virus sa kanilang ilong at lalamunan matapos ang kinuhang swab samples sa may 145 indibiduwal na nasa edad 1 buwan hanggang 65 anyos na may mild hanggang moderate COVID-19.

Sa kanilang pag-analisa, ang mga paslit ay kinakitaan ng viral load sa kanilang upper respiratory tract ng 10 fold hanggang 100 fold, mas mataas kesa sa mga adult. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.