Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Virus patient sa San Juan isolation may P3K ayuda

0 335

Makakatanggap ng P3,000 pinansyal na ayuda ang mga pasyente ng COVID-19 na nasa mga quarantine facility sa San Juan City para masiguro na makokompleto nila ang kanilang isolation at maiwasan na ang pagkalat ng sakit.

Hinikayat ni Mayor Francis Zamora ang mga nasasakupan na magpunta sa tatlong isolation facility ng lungsod na matatagpuan sa San Juan Medical Center, Kalinga Center, at San Juan National High School para hindi mahawa ang iba pang miyembro ng pamilya na nasa kanilang mga tahanan.

Bukod sa pinansyal na ayuda, tatanggapan din ang mga nasa quarantine center ng libreng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.