Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Virus sirit hindi galing sa mga turista – Sec Berna

0 199

Nilinaw ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na walang kinalaman sa panunumbalik ng turismo ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Puyat, agad niyang kinokontak ang mga lokal na opisyal kapag tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa mga tourist spot na binuksan na habang may pandemya pa.

Ikinatutuwa umano ng kalihim na simula nang magbukas uli sila para sa turismo sa bansa ay wala namang nangyaring `outbreak’ sa bansa dahil sa turismo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Batay umano sa pakikipag-usap ni Puyat sa mga lokal na opisyal, tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 dahil na rin sa mga residente nila.

“It’s the locals, it’s not tourism,” ani Puyat.

May mga nag-usisa sa posibleng ambag ng turismo sa pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, lalo pa at may mga napaulat na ilang turistang nameke ng kanilang coronavirus test result para makapunta sa mga tourist spot at kalaunan ay nadiskubreng positibo pala sa virus. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.