Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Virus sumirit sa kapalpakan ng DOH – Roque

0 339

Mistulang sinisi ng Malacañang ang Department of Health (DOH) dahil sa hindi malinaw na patakaran para sa mga asymptomatic at may mild COVID-19 na nanatili lamang sa kanilang bahay.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi sinabi ng DOH na dapat may sariling kuwarto at banyo ang asymptomatic case para hindi maikalat ito sa mga kasama sa bahay.

Isa aniya ito sa mga dahilan kaya tumaas ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 dahil hindi naihiwalay ang mga asymptomatic at sa halip ay nanatili lamang sa bahay kahalubilo ang ibang miyembro ng pamilya.

“I have to recognize na the DOH perhaps should have been clearer at the onset na stay at home if you have your own room and your own bathroom,” dagdag ni Roque.

Pero dahil pinaigting na aniya ang mga ginagawang tracing, testing at treament o T3, sinabi ng kalihim na dadagdagan pa nila ang mga isolation center para maihiwalay agad ang mga asymptomatic sa COVID sa pamamagitan ng Oplan Kalinga.

Wala pa aniyang dalawang linggong nang inanunsyo ang Oplan Kalinga ay napupuno na ang mga itinayong isolation center na indikasyong mabilis ang pagdami ng mga COVID positive dahil sa pinaigting na testing kada araw.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.