Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Virus sumisirit sa Cebu, Cagayan, CAR – DOH

0 105

Nagkakaroon ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ngayon sa labas ng National Capital Region (NCR).

Ayon sa Department of Health (DOH), napansin ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Cebu City, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR).

“Actually tumataas talaga ang number ng cases. Noong tiningnan namin ang analysis namin, dito sa mga tumataas na cases natin ngayon compared to December, nakita natin wala siya sa NCR, nasa labas siya ng NCR,” pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online media forum.

SM food to go Banner Ad

“Isa nga diyan ang Cebu na nakikitaan natin ng pagtaas ng kaso in specific areas. Aside from Cebu, meron pang iba. Meron tayong CAR, Region 2 at marami pang ibang regions na nakakapagtala ngayon ng medyo pagtaas ng kaso at minomonitor natin,” ani Vergeire.

Ayon kay Vergeire, ang average na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 na naitala nitong nakalipas na linggo ay 1,500 kumpara sa 1,000 hanggang 1,300 noong Diyembre 2020.

Nabatid na mino-monitor ng DOH kung magpapatuloy ang pagtaas sa mga susunod na araw para malaman kung nagsimula na ang pagsirit ng virus matapos ang holiday season. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.